Kroasya

From Wikipedia, the free encyclopedia

Kroasya
Remove ads

Ang Kroasya (Kroasya: Hrvatska), opisyal na Republika ng Kroasya, ay isang nakapangyayaring bansa sa tagpuan ng Gitnang Europa, Timog-silangang Europa, at ng Dagat Mediterranean. Sumasaklaw ito ng mahigit 56,594 km2 at tinitirhan ng halos 3.9 milyong tao. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Zagreb.

Agarang impormasyon Republika ng KroasyaRepublika Hrvatska (Kroasya), Kabisera at pinakamalaking lungsod ...

Dumating ang mga Croat sa lugar ng kasalukuyang Kroasya noong unang bahagi ng ika-7 siglo. Dalawang dukado ang naitatag bandang ika-9 na siglo. Si Tomislav ang naging unang hari noong 925, na nagtaas sa katayuan ng Kroasya bilang isang kaharian. Napanatili ng Kaharian ng Kroasya ang kaniyang soberanya sa loob ng dalawang siglo. Naabot nito ang rurok ng kapangyarihan nito noong panahon nina Haring Petar Krešimir IV at Dmitar Zvonimir. Noong 1102, pumasok sa isang personal na unyon ang Kroasya sa Kaharian ng Hungary. Nang maharap sa pananakop ng mga Ottoman noong 1527, hinalal ng Parlamento ng Kroasya si Ferdinand I ng Dinastiyang Hapsburg sa trono ng Kroasya. Noong 1918, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, isinama ang Kroasya sa di-kinilalang State of Slovenes, Croats and Serbs na humiwalay sa Austria-Hungary, at sumanib ito sa Kaharian ng Yugoslavia. Umiral ang isang pasistang papet na estado na sinuportahan ng Pasistang Italya at Nazing Alemanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ng digmaan, isa ang Kroasya sa nagtatag at bumuo ng Sosyalistang Pederal na Republika ng Yugoslavia na isang sosyalistang estado batay sa saligang-batas nito. Noong 25 Hunyo 1991, nagpahayag ng kasarinlan ang Kroasya, na umiral noong Oktubre 8 nang naturang taon. Naging matagumpay ang Kroasya sa digmaan para sa kasarinlan nito makaraan ang apat na taon nang ipahayag ang kasarinlan nito.

Remove ads

Politika

Pangunahing artikulo: Politika ng Kroasya

Naging isang demokrasyang parlamentaryo ang Kroasya simula ng pagtibay ng Saligang Batas ng 1990.

Myembro ang Kroasya ng:
UN
Council of Europe
OSCE
Partnership for Peace
Iba pang mga organisasyon

Ang Pangulo ng republika (Predsjednik) ang pinuno ng estado at hinahalal sa mandato ng 5 taon. Dagdag pa sa pagiging commander-in-chief ng sandatahang lakas, may tungkuling pamprosedimyento din ang pangulo sa pagtakda ng punong ministro na may pahintulot ng parlamento, at may kaunti ring impluwensiya sa foreign policy.

Ang Hrvatski Sabor (Parlamentong Kroatyano) ay isang unikameral na katawang lehislatibo na may hanggang 160 kinatawan, lahat hinahalal sa pamamagitan ng botong popular upang manungkulan ng 4 taon. Nangyayari ang plenary sessions ng Sabor mula Enero 15 hanggang Hulyo 15, at mula Setyembre 15 hanggang Disyembre 15.

Ang Hrvatska Vlada (Gobyernong Kroatyano) ay pinamumunuan ng Punong ministro na may 2 diputado at 14 ministrong namamahala sa iba’t ibang sektor ng gawain. Responsable ang sangay ehekutibo sa pagmungkahi ng lehislasyon at ng bajet, sa pagpapatupad ng mga batas, at sa paggabay sa mga patakarang panlabas at panloob ng republika.

May three-tiered na sistemang hudisyal ang Kroasya na binubuo ng Kataas-taasang Hukuman, mga hukumang pang-županija, at mga hukumang munisipal. Nasusunod ang Hukumang Konstitusyonal sa mga bagay na may kinalaman sa saligang batas. arlou de los reyes

Remove ads

Pagkahati

Thumb
Županije ng Kroasya

Pangunahing artikulo: Županije ng Kroasya

Nahahati ang Kroasya sa 20 županija (pammaramihan županije) at ang distritong lungsod ng kapital, Zagreb:

  1. Zagrebačka županija
  2. Krapinsko-zagorska županija
  3. Sisačko-moslavačka županija
  4. Karlovačka županija
  5. Varaždinska županija
  6. Koprivničko-križevačka županija
  7. Bjelovarsko-bilogorska županija
  8. Primorsko-goranska županija
  9. Ličko-senjska županija
  10. Virovitičko-podravska županija
  11. Požeško-slavonska županija
  12. Brodsko-posavska županija
  13. Zadarska županija
  14. Osječko-baranjska županija
  15. Šibensko-kninska županija
  16. Vukovarsko-srijemska županija
  17. Splitsko-dalmatinska županija
  18. Istarska županija
  19. Dubrovačko-neretvanska županija
  20. Međimurska županija
  21. Grad Zagreb
Remove ads

Mga sanggunian

Mga kawing palabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads