DWKC

himpilan ng radyo sa Kalakhang Maynila, Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

DWKC
Remove ads

Ang DWKC (93.9 FM), sumasahimpapawid bilang 93.9 iFM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Radio Mindanao Network. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa RMN Broadcast Center, Unit 807, 8th Floor, Atlanta Centre, Annapolis St., Greenhills, San Juan, Kalakhang Maynila.

Agarang impormasyon Pamayananng lisensya, Lugar na pinagsisilbihan ...
Remove ads

History

1975-1985: DZHP

Itinatag ang himpilang ito noong 1975 sa ilalim ng call letters na DZHP.

1985–1999: WKC

Noong Mayo 16, 1985, naging 93.9 WKC ito na may pang-masa na format at binansagan itong "We are family". Nagpalit din ito ng call letters sa DWKC. Kabilang sa mga personalidad ng himpilang ito ay sina Mike Enriquez -(kilala noon bilang si "Baby Michael"), pati ang mga taga WBL dati na sina Hillbilly Willy, Rudolf Rivera, Ray "The Count" Mambo at Super Mitch. Noong panahong yan, nasa Philcomcen Bldg. sa Ortigas Center, Pasig ang tahanan nito.[1]

Noong 1997, sa ika-12 na anibersaryo nito, nagdagdag ito ng mga segment na pang-pamilya. Ayon kay Ante, pang-pamilya ang himpilang ito para maprotektahan ang magandang imahe nito.[2] Noong Nobyembre 22, 1999, namaalam ang WKC sa ere.[3]

1999–2002: KCFM

Noong Nobyembre 23, 1999, naging 939 KCFM ito na may Top 40 na format at binansagan itong "Live It Up!" Kabilang sa mga personalidad ng himpilang ito ay sina Chico at Delamar (na ngayo'y parehas nasa RX 93.1) at King DJ Logan. Noong Mayo 15, 2002, namaalam ang KCFM sa ere.[4]

2002–present: iFM

Noong Mayo 16, 2002, bumalik ang himpilang ito sa pang-masa na format bilang 93.9 iFM.

Noong Hunyo 2007, naging kauna-unahang himpilan ang iFM na sumasahimpapawid sa HD Radio; ang 1-kW Nautel HD Radio transmiter.[5] Makalipas ng isang taon, binansagan itong Pinalakas!.

Noong ikalawang quarter ng 2018, sinimulan nitong i-riley ang pang-umagang programang pangbalita ng RMN mula sa DZXL.

Noong panahong yan, lumipat ito sa kasalukuyang tahanan sa Atlanta Center sa San Juan.[6][7]

Remove ads

Mga Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads