Biyaheng daang-bakal

From Wikipedia, the free encyclopedia

Biyaheng daang-bakal
Remove ads

Ang biyaheng daang-bakal (halaw sa dalawang salitang "daan" at "bakal") o biyaheng riles ay ang transportasyon o paghakot, paghila, pagdadala, paglululan, pagkakarga, pagluluwas, pag-aangkat, at paglilipat ng mga taong lulan o pasahero at mga bagay na tulad ng mga mabubuting dala-dalahin (mga goods sa Ingles) sa pamamagitan ng paggamit ng mga sasakyang may mga gulong at dinisenyong tumakbo o umandar sa ibabaw ng mga daang-bakal (daanang bakal, o daambakal kung batay sa ortograpiya bago ang taong 1977). Kilala rin ang daang-bakal bilang riles ng tren o riles lamang, tramo, at riles perokaril.[1] Sa karamihan ng mga bansa, nakakatulong ang ganitong paraan o metodo ng transportasyon sa internasyunal na kalakalan at kaunlarang pangkabuhayan o pang-ekonomiya. Nagbibigay ang mga daang-bakal ng matalab o episyenteng paggamit at pagkonsumo ng enerhiya upang makapaglipat ng mga materyales o bagay na inaangkat sa ibabaw ng lupa.[2] Malalaking bahagi ng sistema ang mga daang-bakal at nakapagdurulot ng makinis at matigas na kalatagan o kahabaan kung saan nakagugulong ang mga gulong ng tren habang nagsasanhi lamang ng maliit na antas ng priksyon. Gayundin, ikinakalat ng daang-bakal o riles ang bigat ng tren, na nangangahulugang may mas malalaking bilang ng mga bagay ang nadadala kaysa sa paggamit ng mga trak at mga kalsada.

Thumb
Remove ads

Tignan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads