Sabangan

From Wikipedia, the free encyclopedia

Sabangan
Remove ads

Ang sabángan[1][2] o delta ng ilog (Ingles: river delta) ay isang anyong lupa na karaniwang hugis-tatsulok. Nililikha ang mga sabángan sa pamamagitan ng pagdedeposito ng mga latak o sedimento na dinadala ng agos ng isang ilog, kung saan sumasama ang ilog sa isang anyong tubig na mabagal ang pag-agos o hindi umaagos.[3][4] Nagaganap ang paglikha ng sabángan sa bukana ng ilog, kung saan umaagos ang ilog papalabas sa isang karagatan, dagat, estuwaryo, lawa, o imbakan ng tubig. Sa bibihirang mga pagkakataon ay maaari ding maganap ito sa bukana ng ilog sa isa pang ilog na hindi kayang magpa-agos ng latak na mula sa naunang ilog. Sa etimolohiya, nagmula ang salitang Ingles na river delta sa tatsulok na hugis (Δ) ng malaking titik na letrang delta sa wikang Griyego. Sa larangan ng hidrolohiya, tinutukoy ang sukat ng sabángan sa pamamagitan ng balanse sa pagitan ng dalawang mga proseso ng watershed: ang proseso ng watershed na nagbibigay ng latak, at ang proseso ng watershed na muling namamahagi, nagbabawi, at nagluluwas ng ibinibigay na sedimento sa tumatanggap na lunas (receiving basin).[5][6]

Thumb
Isang larawang satelayt ng sabángan ng Ilog Lena sa Rusya
Thumb
Isang false color na larawang satelayt mula sa NASA ng sabángan ng Ilog Nilo sa Ehipto

Mahalaga sa kabihasnan ng sangkatauhan ang mga sabángan, sapagkat ang mga ito ay mga pangunahing sentro ng produksiyon sa agrikultura pati na mga sentro ng populasyon.[7] Maaaring magbigay ang mga ito ng pananggalang sa mga baybayin at maaaring makaapekto sa suplay ng maiinom na tubig.[8] Mahalaga rin ang mga ito sa ekolohiya, kalakip ng iba't ibang mga pagtitipon ng mga espesye batay sa kanilang mga kinalalagyan. Mahalaga ring mga carbon sink ang mga ito sa mga eskala ng panahong heolohiko.[9]

Remove ads

Mga halimbawa

Thumb
Larawang satelayt ng Sabángan ng Ganges

Pinakamalaking sabángan sa mundo ang Sabangan ng Ganges–Brahmaputra, na sumasakop sa malaking bahagi ng Bangladesh at ng Kanlurang Bengal, at umaagos sa Look ng Bengal.[10]

Mga sanggunian

Bibliograpiya

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads