Demokratikong Republika ng Congo

bansa sa Africa From Wikipedia, the free encyclopedia

Demokratikong Republika ng Congo
Remove ads

Ang Demokratikong Republika ng Congo /kong·go/ (Pranses: République Démocratique du Congo), kilala ring DR Congo, DRC, Congo, Congo-Kinshasa ay isang bansa sa gitnang Aprika at ang ikalawang pinakamalaking bansa sa kontinente at ika-11 naman sa daigdig. Pinalilibutan ito ng Central African Republic at Timog Sudan sa hilaga, Uganda, Rwanda, Burundi at Tanzania sa silangan, Zambia at Angola sa timog, at Republika ng Congo sa kanluran. Sa populasyon nitong 75 milyon, ang Demokratikong Republika ng Congo ay ang pinakamataong bansang Francophone, ikaapat na pinakamataong bansa sa Aprika at ika-19 sa buong daigdig.

Agarang impormasyon République Démocratique du Congo, Kabisera ...
Remove ads

Ang mga Digmaang Sibil ng Congo na nagsimula noong 1996 na nagwakas sa 31 taong pamamayagpag sa kapangyarihan ni Mobutu Sese Seko, ay sumira sa bansa at di-naglaon kinabilangan ng siyam na bansa sa Aprika, maraming pangkat ng UN Peacekeepers at dalawampung armadong grupo.[1][2] Nagdulot ng pagkasawi ng may 5.4 milyong katao ang nasabing mga digmaan mula 1998[3][4][5] kung saan higit sa 90% ng mga nasawi ay dahil sa malaria, diarrhea, pulmonya at malnutrisyon, na pinalalâ pa ng mga marurumi at siksikang kondisyon ng mga pinaglikasan ng mga refugee.[6] Halos kalahati sa mga naging biktima ay mga bata na wala pang limang taong gulang.[3] Ayon sa Human Development Index (HDI) noong 2013, ang bansa ay may mababang antas ng kaunlarang pantao, pumang-186 sa 187 mga bansa.[7]

Remove ads

Mga pinakamalaking lungsod

Mga kawing panlabas

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads