Digmaang Sibil ng Amerika
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Amerikanong Digmaang Sibil (1861–1865) ay isang digmaang sibil sa Estados Unidos ng Amerika. Labing-isang mga estadong nang-aalipin sa Katimugan ang nagpahayag ng kanilang pagtiwalag mula sa Estados Unidos at binuo ang Konpederadong mga Estado ng Amerika (ang Konpederasyon). Pinamunuan ni Jefferson Davis, nilabanan nila ang pederal na pamahalaan ng Estados Unidos (ang Unyon), na sinusuportahan ng lahat ng mga malalayang mga estado at ang mga estado sa hangganan sa hilaga.
Noong pampangulong halalan ng 1860, nagkampanya ang Partido Republikano, na pinamunuan ni Abraham Lincoln, laban sa paglawak ng pang-aalipin sa labas ng mga estado na nangyayari na. Nagbunga ang pagkapanalo ng Republikano sa halalan na iyon ng pagtiwalag pitong Katimugang mga estado mula sa Unyon bago pa man maluklok sa tanggapan si Lincoln noong Marso 4, 1861. Parehong tinutulan ng paalis at parating na mga administrasyon ang pagtiwalag, na tinuturing na rebelyon.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Remove ads
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads