Dipolog

lungsod ng Pilipinas at kabisera ng lalawigan ng Zamboanga del Norte From Wikipedia, the free encyclopedia

Dipologmap
Remove ads

Ang Dipolog, opisyal na Lungsod ng Dipolog (pagbigkas: di•pó•log; Cebuano: Dakbayan sa Dipolog) ay isang lungsod at siya ring kabisera ng lalawigan ng Zamboanga del Norte, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 136,528 sa may 33,154 na kabahayan.

Agarang impormasyon Dipolog Lungsod ng Dipolog, Bansa ...
Remove ads

Kasaysayan

Pinasinayaan ang Dipolog bilang isang ganap na bayan ng gobernador ng Lalawigang Moro John Pershing noong Hulyo 1, 1913, matapos maipatayô ang gusaling magsisilbing munisipyo ng naturang bayan. Itinalaga rin ni Pershing ang kauna-unahang alkalde ng bayan na si Pascual Martinez.

Sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, inilipat ng tubong-Dipolog na Gobernador ng Zamboanga na si Matias Ranillo ang kabisera ng lalawigan ng Zamboanga mula Lungsod ng Zamboanga papuntang Dipolog.[3] Nang masakop na ng puwersang Hapones ang kabayanan ng Dipolog, inilikas palayô ng kabayanan ang pamahalaang lalawigan patungo sa barrio ng Polanco.[4] Noong Agosto 22, 1951, hinawalay sa Dipolog ang nasabi at ilan pang barrio upang maging hiwalay na mga bayan ng Polanco at Piñan.[5]

Noong Enero 1, 1970, sa bisa ng Batas Republika 5520 naging lungsod ang bayan ng Dipolog.[6]

Remove ads

Pamahalaan

Ang sistema ng pamahalaan ng Dipolog ay gaya ng iba pang pamahalaang lokal sa Pilipinas alinsunod sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal. Bilang isang nakapaloob na lungsod ang mga ordinansang ipinapasá ng pamahalaang lungsod ay isinusumite sa Sangguniang Panlalawigan ng Zamboanga del Norte upang masuri kung ito'y tumatalima sa angkop nitong kapangyarihan.

Tagapagpaganap

Ang alkalde o punong-bayan ang siyang nasisilbing punong tagapagpaganap ng lungsod.

Tagapagbatas

Binubuo ng Sangguniang Panlungsod ng Dipolog ng sampung regular na konsehal na halal at dalawang ex-officiong konsehal. Samantalang nagsisilbing tagapangulo ng Sangguniang Panlungsod ang bise-alkalde na siyang humahalili kapag nabakante ang posisyon ng alkalde.

Mga Barangay

Nahahati sa 21 barangay ang Dipolog, ang lima rito—Barra, Biasong, Central, Estaka, at Miputak—ay sakop ng poblacion .

Karagdagang impormasyon Barangay, Lawak (ha.) ...
Remove ads

Media

TV

  • RMN DXDR TeleRadyo 2
  • GMA 4
  • RPN DXKD TeleRadyo (Channel 7)
  • ABS-CBN Northwestern Mindanao (Channel 42)

Radio

AM

  • RMN DXDR 981
  • RPN DXKD Radyo Ronda 1053
  • DXBD Bombo Radyo 1350

FM

  • CMN 88.9 Radyo Totoo
  • MOR 90.9
  • 92.5 Korean Radio
  • 93.3 Star FM
  • 94.1 iFM
  • 100.5 Radyo Natin
  • 102.5 Brigada News FM
  • 103.7 Energy FM

Demograpiko

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads