Distritong pambatas ng Las Piñas
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang solong Distritong Pambatas ng Lungsod ng Las Piñas ang kinatawan ng mataas na urbanisadong lungsod ng Las Piñas sa mababang kapulungan ng Pilipinas.
Kasaysayan
Mula 1907 hanggang 1972, nirepresentahan ang noo'y munisipalidad ng Las Piñas bilang bahagi ng unang distrito ng Rizal. Mula 1978 hanggang 1984, ito ay bahagi ng kinakatawan ng Rehiyon IV sa Pansamantalang Batasang Pambansa.
Mula 1984 hanggang 1986, ito ay ipinangkat kasama ang Parañaque bilang Distritong Pambatas ng Las Piñas–Parañaque na kinatawan nila sa Regular Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, ipinangkat ang Las Piñas at Muntinlupa bilang Distritong Pambatas ng Las Piñas–Muntinlupa mula 1987 hanggang 1998.
Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 7926 na niratipikahan noong Mayo 8, 1995, ginawang lungsod ang Muntinlupa. Ayon sa parehong batas, hiniwalay ang Las Piñas at Muntinlupa at binigyan ng tig-iisang distrito. Ito ay pinagtibay ng Batas Pambansa Blg. 8251 na niratipikahan noong Marso 26, 1997.
Remove ads
Solong Distrito
- Populasyon (2015): 588,894
 
Notes
- Nagbitiw matapos italagang Kalihim ng mga Pagawain at Lansangang Bayan noong Agosto 1, 2016.[1]
 
Remove ads
Tingnan din
- Distritong pambatas ng Rizal
 - Distritong pambatas ng Las Piñas–Muntinlupa
 - Distritong pambatas ng Las Piñas–Parañaque
 
Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads