Ulo ng tinggil

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ulo ng tinggil
Remove ads

Ang ulo ng tinggil o dulo ng tinggil (Ingles: clitoral glans, glans clitoridis) ay isang panlabas na bahagi ng tinggil.

Thumb
Ang mga pook sa tinggil na kinabibilangan ng ulo o dulo ng tinggil (glans), katawan, at crura.

Anatomiya

Natatakpan ito ng prepusyo ng tinggil, na panlabas din at nakadikit sa labia minora ("maliit na labi") ng puki. Nakadikit din ito sa frenulum clitoridis, na nakadikit din naman sa labia minora. Ang ulo ng tinggil ay nakadikit sa katawan ng tinggil, na nasa loob.

Pisyolohiya

Ang ulo o dulo ng tinggil ay halos kasinlaki at kahugis ng isang pea, bagaman maaaring maging mas malaki o mas maliit. Ito ay napakamapandama, maselan, o sensitibo, na naglalaman ng maraming mga dulo ng nerb (katulad ng sa ulo ng titi ng mga lalaki), subalit nakakalat lamang sa isang mas maliit na kapatagan, kaya't partikular na angkop o akma ito para sa estimulasyong seksuwal.[1] Habang naaantig na seksuwal, ang dulo ng tinggil ay napupuno ng dugo at minsang umuusli o umuungos sa labas magmula sa prepusyo ng tinggil o umuulbok sa ilalim ng prepusyong ito.[2]

Remove ads

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads