Sanaysay
Isang maikling komposisyon na ginagamit sa Filipino From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang sanaysay ay isang maiksing akda na kalimitang naglalaman ng pansariling kuro-kuro ng may-akda.
Dalawang uri ng sanaysay
Maanyo
Ang sanaysay na palana na tinatawag din na di-pansarili ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga kagamitan tungo sa ikalilinaw ng piniling paksang tinatalakay. Tinuturing ding maanyo sapagkat pinag-aaralan ng maingat ang piniling pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan din ito dahil makahulugan, matalinhaga, at matayutay ang mga pangugusap. Mapitagan ang lahad dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay di-kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang lahad nito ay tuon, pang-kasanayan, at walang halong pagbibiro.
Isang uri ng maanyong sanaysay ang editoryal ng isang pahayagan. Isa itong sanaysay na may kuro-kuro tungkol sa mga maiinit na mga balita. Bagama't may opinyon, ito ay hindi ginagamitan ng unang panauhan sa paglalahad.
Di-maanyo
Ang sanaysay na di-palana na tinatawag din na pansarili o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw, at pansarili. Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga alitang bukod sa nababakas ang katauhan ng may-akda ay maaring makiramay o maging sangkot ang mambabasa sa kaniyang pananalita at parang nakikipag-usap lamang ang may-akda sa isang kaibigan, kaya magaan at madaling maunawaan. Pansarili rin ang tawag sa uring ito dahil palakaibigan ang lahad nito dahil ang pangunahing gamit ay unang panauhan. Kumikiling ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.
Remove ads
Mga panlabas na kawing
- Halimbawa ng sanaysay Naka-arkibo 2008-04-15 sa Wayback Machine. mula sa Pinoy Blogero.com Naka-arkibo 2008-04-12 sa Wayback Machine.
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads