Estasyon ng 5th Avenue (LRT)

ay isang himpilan sa Manila LRT Yellow Line (LRT-1) From Wikipedia, the free encyclopedia

Estasyon ng 5th Avenue (LRT)map
Remove ads

Ang Estasyong 5th Avenue ng LRT, o Estasyong Ika-5 Abenida ng LRT, ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng mga iba pang estasyon ng LRT-1, nakaangat ang estasyong 5th Avenue. Matatagpuan ito sa Karugtong ng Abenida Rizal, Barangay Grace Park East, Caloocan. Ito'y nasa tabi ng 5th Avenue (Ika-5 Abenida) o C-3 Road, kung saan nagmula ang pangalan ng estasyon.

Agarang impormasyon 5th Avenue, Pangkalahatang Impormasyon ...

Nagsisilbi bilang pang-apat na estasyon ang estasyong 5th Avenue para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Dr. Santos at pang-dalawamput-dalawang estasyon para sa mga treng patungo sa Fernando Poe Jr.. Isa rin ito sa dalawang nakompletong estasyon ng LRT na naglilingkod sa lungsod ng Caloocan, ang isa pang estasyon ay Monumento.

Remove ads

Mga kalapit na palatandaang pook

Kabilang sa mga kalapit na palatandaang pook nito ay Sementeryo ng La Loma, Thai To Taoist Temple Pagoda, Ung Siu Si Buddhist Temple, Northern Rizal Yorklin Chinese School at Philippine Cultural College (Annex).

Mga kawing pangpanlalakbay

Maaaring sumakay ang mga mananakay ng mga dyipni, bus, at taksi papuntang estasyong 5th Avenue.

Pagkakaayos ng Estasyon

L2
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr.
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Dr. Santos
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan
L1 Daanan

14°37′50.31″N 120°58′53.03″E

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads