Pako
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang pako[3], tagabas[4][5], eletso[6], o kaliskis-ahas[7] (fern sa Ingles) ay isang uri ng halaman na nabubuhay sa tabi ng ilog at sapa na may iba't ibang kaurian (sari-sari). Ginagamit sa ngayon ang pangkaraniwang tagabas para sa pag-aayos ng mga bulaklak para sa kasalan at iba pang pagdiriwang. May isang uri ng tagabas na nakakain at kilala rin ito katawagang paku[8] na karaniwang ginagawang ensalada o talbos sa ginataang isada, suso o kuhol sa Pilipinas.[4][9]


Tumutukoy din ang pangalang pako o tagabas sa mga sumusunod na halaman:
- Pako (Athyrium esculentum)
- Pakong-alagdan (Blechnum orientale)
- Pakong-anuanag (Onychium siliculosum), tinatawag ding buhok-birhen, dila-dila
- Pakong-gubat (Pityrogramma calomelanos), o pakong-kalabaw
- Pakong-parang (Pteris mutilata)
- Pakong-roman (Ceratopteris thalictroides)
- Pakong-tulog (Selaginella tamariscina), o pakong-sipres
- Pakong-buwaya (Cyathea contaminans)
Maaari ding tumukoy ang ngalang tagabas sa isang hindi-kauri ng mga tunay na pako; ito ang mala-yerbang halamang Kaempferia galanga[10]
Remove ads
Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads