Ho Chi Minh
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Hồ Chí Minh (Mayo 19, 1890 – Setyembre 2, 1969), ipinanganak na Nguyễn Sinh Cung, ay politiko, manghihimagsik, at estadistang Biyetnames na naglingkod bilang pangulo at punong ministro ng Hilagang Vietnam.
Napanganak siya sa Probinsya ng Nghệ An sa French protectorate ng Annam. Galing siya sa isang mahirap na pamilya. Ang kanyang ama, si Nguyễn Sinh Sắc, ay isang guro at tagapaglingkod at si Hòang Thị Loan, ang kanyang ina, ay namantay naman noong siya ay labing-isang taong gulang. Pagkatapos mag-aral sa Vinh at Quoc College sa Hué, si Ho ay nagturo sa isang pribadong eskwelahan sa Phan Thiet, sa Timog Annam. Ang kanyang pag-iisip ay nag-umpisa noong 1911, noong napagdesisyunan niyang umalis sa French Indo-China (Vietnam). Siya ay pumunta sa Saigon at nagging katukong sa kusina sa isang French passenger liner na Amiral Latouche-Treville. Pagkatapos ay nagtrabaho siya sa London (1915 – 1917) at Paris (1917 – 1923) bilang kusinero at iba pa. Siya rin ay nagpunta sa United States. Ang kanyang pamphlet, “La Race Noire”, na naipublish sa Moscow noong 1924, ay pinaniniwalaang ito ay base sa kanyang mga karanasan sa pagbyahe noong 1914 – 1916. Pinaniniwalaan ding pansamantala siyang tumira sa
Pinamunuan ni Hồ ang kilusang pangkasarinlang Viet Minh mula 1941 pasulong, na naglunsad ng Demokratikong Republik ang Biyetnam na pinamamahalaan ng mga komunista noong 1945 at nakatalo sa Unyong Pranses noong 1954 sa Labanan sa Dien Bien Phu. Nawalan siya ng kapangyarihang pampolitika sa loob ng Hilagang Biyetnam noong kahulihan ng dekada ng 1950, subalit nanatili bilang pinakanakikitang sinasagisag na pangulo hanggang sa kanyang kamatayan sa Setyembre 2, 1969. Pagkaraan ng Pagbagsak ng Saigon, binago o muling pinangalanan ang dating kabisera ng Timog Biyetnam, Saigon na naging Lungsod ng Hồ Chí Minh bilang parangal sa kanya.
Remove ads
Pansariling Buhay
Bukod sa pagiging politiko, si Hồ Chí Minh ay isa ring manunulat, mamamahayag, makata, at poligloto. Bago ang Himagsikang Agosto, madalas siyang nagsulat ng mga tula sa Chữ Hán. Isang tanyag na halimbawa nito ay ang kronikang Mga Tula mula sa Talaarawan sa Bilangguan, na isinulat noong siya ay nakulong ng mga pulis ng Republika ng Tsina. Ginawaran ito bilang Pambansang Kayamanan Blg. 10 at isinalin sa maraming wika.
Remove ads
Mga kawing panlabas
May kaugnay na midya tungkol sa Ho Chi Minh ang Wikimedia Commons.
![]()
![]()
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Biyetnam at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Remove ads
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads


