Iraq
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Republika ng Irak ay isang bansa sa timog-kanlurang Asya na sinasakop ang sinaunang rehiyon ng Mesopotamia sa pinagsasaniban ng mga ilog Tigris at Euphrates pati na rin ang timog Kurdistan. Hinahanggan ito ng Kuwait at Arabyang Saudi sa timog, Hordan sa kanluran, Siria sa hilagang-kanluran, Turkiya sa hilaga, at Iran (Lalawigan ng Kurdistan) sa silangan. May makitid itong seksiyon ng baybayin sa Umm Qasr sa Golpong Persiko.
Simula noong ika-6 milenyo BC, nagpaunlad ng mga unang lungsod, sibilisasyon, at mga imperyo ang matabang kapatagan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Eufrates ng Irak, na tinutukoy bilang Mesopotamia, kabilang ang Sumerya, Akkadiyo, at Asirya. Kilala bilang duyan ng sibilisasyon, nakita ng Mesopotamia ang paglikha ng mga sistema ng pagsusulat, sipnayan, nabigasyon, pag-uugali ng oras, talaarawan, astrolohiya, gulong, bangka, at kodigo ng batas. Matapos ang pananakop ng mga Muslim sa Mesopotamya, naging kabisera ng Abbasid Caliphate ang Baghdad sa kasagsagan ng Islamic Golden Age. Matapos ang pagguho ng lungsod noong 1258 dulot ng mga Mongol, humarap ang rehiyon sa mahabang pagdalisdis dahil sa mga salot at sunud-sunod na imperyo. Bukod pa rito, nagtataglay ng relihiyosong kahalagahan ang Irak sa Kristiyanismo, Hudaismo, Yazidismo, at Mandaeismo. Ito ay may malalim na kasaysayan sa Bibliya.
Remove ads
Pangalan
Mayroong ilang mga iminungkahing pinagmulan para sa pangalan ng bansa. Ang isa ay nagmula sa lungsod ng Uruk ng Sumerya at sa gayon ay may pinagmulang Sumeryo.[5] Ang isa pang posibleng etimolohiya para sa pangalan ay mula sa Gitnang Persikong salitang erāg, na nangangahulugang "mababang lupain".[6] Isa namang katutubong etimolohiyang Arabe para sa pangalan ay ang salitang araqa na nangangahulugang "mayabong, malalim ang ugat; natubigan ng mabuti".[7]
Mayroon isang rehiyon sa Gitnang Kapanahunan na kung tawagin ay ʿIrāq ʿArabī ("Arabian Iraq") para sa Mababang Mesopotamya at ʿIrāq ʿAjamī ("Persian Iraq") para sa rehiyong kasalukuyang nakalagay sa gitna at kanlurang Iran. Sa kasaysayan, kasama ang kapatagan sa timog ng Kabundukan ng Hamrin at hindi kasama ang pinakahilagang at pinakakanlurang bahagi ng kasalukuyang teritoryo ng Irak.[8] Bago ang kalagitnaan ng ika-19 na dantaon, karaniwang ginagamit ang terminong Eyraca Arabica upang ilarawan ang Irak.[9] Ang terminong Sawad ay ginamit din noong unang panahon ng Islam para sa rehiyon ng pampamulatan ng ilog Tigris at Eufrates.
Bilang isang salitang Arabe, ang ibig sabihin ng عراق ʿirāq ay "lupi", "baybayin", "bangko", o "bingit", kaya't nagkaroon ng kahulugan ang pangalan sa pamamagitan ng katutubong etimolohiya bilang "ang bangin", tulad ng sa timog at silangan ng Talampas ng Jazira, na bumubuo sa hilaga at kanlurang gilid ng lugar ng "al-Iraq arabi".[10]
Nang itinatag ng mga Briton ang haring Hashemite noong 23 Agosto 1921 na si Faisal I ng Irak, ang opisyal na Ingles na pangalan ng bansa ay binago mula sa Mesopotamia tungo sa salitang endonomo na Iraq.[11] Mula noong Enero 1992, ang opisyal na pangalan ng estado ay "Republika ng Iraq" (Jumhūriyyat al-ʿIrāq), na muling pinagtibay ng Saligang Batas 2005.[12][13]
Remove ads
Mga teritoryong pampangasiwaan
Tingnan din
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads