Pag-uuri ng klima ni Köppen
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Hinahati ng pag-uuri ng klima ni Köppen (Köppen climate classification) ang mga klima ng Daigdig sa limang pangunahing mga pangkat ng klima. Hinahati naman ang bawat pangkat batay sa mga padron ng pana-panahong pag-ulan at temperatura. Ang limang pangunahing mga pangkat ay A (tropical o pantropiko), B (arid o tigang), C (temperate o katamtaman), D (continental o panlupalop), at E (polar). Kumakatawan sa isang titik ang bawat pangkat at subpangkat. Binigyan ang lahat ng mga klima ng isang pangunahing pangkat, na siyang kinakatawan ng unang titik. Maliban sa mga nasa pangkat E, bawat isa sa mga klima ay binigyan ng isang subpangkat ng pana-panahong pag-ulan, na kinakatawan ng ikalawang titik. Halimbawa, tumutukoy ang Af sa isang maulang gubat na klimang pantropiko. May binigay na subpangkat ng temperatura sa lahat ng mga pangkat maliban sa mga nasa pangkat na A. Kinakatawan ito ng ikatlong titik para sa mga klimang sa mga pangkat na B, C, D, at ng ikalawang titik sa mga klimang sa pangkat na E. Kabilang sa iba pang mga halimbawa ang: Cfb na tumutukoy sa klimang pangkaragatan na may mainit na tag-init tulad ng itinutukoy ng panapos na b., habang tumutukoy naman ang Dwb sa bahagyang mabalaklaot na klimang panlupalop, na mainit-init din ang mga tag-init. Ibinubukod ang mga klima batay sa espesipikong mga pamantayang natatangi sa bawat uri ng klima.[1]
Pinakamalaganap na pamamaraan ng pag-uuri ng klima ang pag-uuri ng klima ni Köppen.[2] Unang itong inilathala ng klimatologong Rusong-Aleman na si Wladimir Köppen (1846–1940) noong 1884,[3][4] kalakip ang ilang mga pagbabago niya, lalo na noong 1918 at 1936.[5][6] Ipinakilala kalaunan ng klimatogong Alemang si Rudolf Geiger (1894–1981) ang ilang mga pagbabago sa sistema ng pag-uuri noong 1954 at 1961, kaya kung minsang tinatawag itong pag-uuri ng klima nina Köppen at Geiger (Köppen–Geiger climate classification).[7][8]

Af
Am
Aw
As |
BWh
BWk
BSh
BSk |
Csa
Csb
Csc |
Cwa
Cwb
Cwc |
Cfa
Cfb
Cfc |
Dsa
Dsb
Dsc
Dsd |
Dwa
Dwb
Dwc
Dwd |
Dfa
Dfb
Dfc
Dfd |
ET
EF |
Remove ads
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads