Respeto

masiyang damdamin o pagkilos na ipinapakita sa isang tao o bagay na itinuturing na mahalaga o hinahangaan From Wikipedia, the free encyclopedia

Respeto
Remove ads

Ang respeto, galang, dangan, o paggalang (Ingles: respect, esteem o honor), ay isang masiyang pakiramdam o mapitagang gawi na ipinapakita sa isang tao o isang bagay na itinuturing na mahalaga, tanyag, o hinahangaan. Isa itong pakiramdam ng malalim na paghanga para sa isang tao o isang bagay buhat ng kanilang mga kakayahan, katangian, o mga nagawa at nakamit. Ito ay proseso rin ng pagkilala sa isang tao sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kalinga, malasakit, o pag-unawa alang sa kanilang mga pangangailangan o damdamin.[1][2][3][4][5]

Thumb
Isang karatula na nagsasaad ng "katahimikan at galang" sa Arlington National Cemetery

Sa maraming kagawian, binibigyan ng natatanging dangan, respeto o galang ang mga taong napatunayang nararapat o sinasang-ayunan. Ang ilang mga tao ay maaring magkaroon ng natatanging respeto o dangan sa pamamagitan ng kanilang mga huwarang gampan o tungkulin sa lipunan. Sa tinatawag na "honor cultures" o "mga kultura ng karangalan", ang respeto ay madalas na nakukuha sa ganitong paraan kaysa ibinibigay bilang sadya.[6]

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads