Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal
Kagawarang pang-ehekutibo ng pamahalaan ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Pilipinas (Ingles: Department of the Interior and Local Government o DILG) ay ang pangunahing tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na responsable para sa pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan, pagpapanatili ng seguridad ng mamamayan, at pagpapalawig ng kapabilidad ng mga lokal na yunit ng pamahalaan. Ito rin ang responsable sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas.
Remove ads
Kasaysayan
Noong ika-22 ng Marso taong 1897, ang mga pinuno ng Katipunan na pinangungunahan ni Andres Bonifacio ay nagpulong sa Tejeros, Kabite na kilala sa Kasaysayan ng Pilipinas sa tawag na Acta de Tejeros of Tejeros Convention. Noong mga panahong yaon natatag ang pamahalaang rebolusyonaryo at ang bagong pamahalaan ay inihalal sina Heneral Emilio Aguinaldo bilang pangulo at Andres Bonifacio bilang direktor ng Interyor. Ngunit hindi tinanggap ni Bonifacio ang posisyon kaya inilagay ng Pangulo si Pascual Alvarez bilang direktor.
Taong 1950, ang kagawaran ng interyor ay tiniwalag at inilipat ang mga tuntunin nito sa Civil Affairs Office sa ilalim ng opisina ng Pangulo. 6 Enero 1956, nalikha ang Presidential Assistant on Community Development (PACD). Naibalik ang kagawaran noong ika-7 ng Nobyembre taong 1972, sa pagkakatatag ng Pagawaran ng Pamahalaang Lokal at Pagpapaunlad ng Komunidad (KPLPK). Taong 1978, ang KPLPK ay isinaayos at pinalitan ng pangalan na Ministry of Local Government (MLG) at kalaunan bilang Kagawaran ng Pamahalaang Lokal.
Ika-13 ng Disyembre taong 1990, Naisabatas ang Batas Republika ng Pilipinas bilang 6975 na nagtatag Pambansang Pulisya ng Pilipinas, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail and Penology at ng Kolehiyo ng Pampublikong Seguridad ng Pilipinas sa ilalim ng isinaayos na Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.
Pinagsama ng bagong Kagawaran ang Pambansang Komisyong ng Pulisya at lahat ng Opisina ng naunang kagawaran sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap bilang 262. Ang pagkapasa ng Batas Republika ng Pilipinas bilang 6975 ang nagbigay daan sa pagkakasama-sama ng mga pamahalaang lokal at ng pulisya matapos ang 40 taong pagkakahiwalay.
Remove ads
Tala ng mga Kalihim/Ministro ng Interyor at Pamahalaang Lokal
Nota:
Remove ads
Mga kaugnayang palabas
- Portal ng pamahalaan Naka-arkibo 2008-12-17 sa Wayback Machine.
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads