Kagawaran ng Turismo
Pampamahalaang ministeryo ng Pilipinas para sa turismo From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Kagawaran ng Turismo (Ingles: Department of Tourism), ang kagawarang tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na may tungkulin ukol sa alintuntunin ng industriyang panturismo sa Pilipinas at ang pagpapakilala sa Pilipinas bilang isang destinasyon.
Remove ads
Kasaysayan
Nagsimula bilang isang pansariling adhikain na ipakilala ang Pilipinas bilang isang pangunahing destinasyon sa paglalakbay, ang Samahan ng Turista at Paglalakbay ng Pilipinas ay nabuo noong 1950, at noong taong 1956, ang lupon ng Industriya sa Paglalakbay at Turista ay binuo ng Kongreso ng Pilipinas, hanggang sa taong 1973, ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Ministri ng Turismo na may antas-panggabinete, ang mga ahensyang Pangasiwaan ng Turismo ng Pilipinas (PTA) at Kawanihan ng Kumbensiyon ng Pilipinas (PCB).
At noong taong 1986, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 120 at Blg. 120=A na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino, ang kagawaran ng Turismo ay naisaayos muli at ang PCB ay tinawag na Korporasyon ng Kumbensiyon at mga Panauhin ng Pilipinas (Philippine Convention and Visitors Corporation). Noong taong 1998, ang kagawaran ng Turismo ay naging isa sa mga pangunahing tanggapan ng pamahalaan na tungkulin sa matagumpay na sentenaryong pagdiriwang ng kalayaan mula sa Espanya. Noong 2002, sinimulan ng Kagawaran ng Turismo ang isa sa mga tagumpay nitong proyekto sa pagpapalawig ng turismo ang Visit Philippines 2003 sa kabila ng pahuling babala dahil sa 9-11 ataking pan terorismo Naka-arkibo 2009-01-30 sa Wayback Machine. sa ilalim ng panunungkulan ni Richard Gordon bilang kalihim.
Remove ads
Mga proyektong panturismo
- Visit Islands Philippines 1994
- Miss Universe Beauty Pageant 1994
- Florikultura '98 - international horticulture exhibition
- Expo Pilipino 1998 - Philippine Centennial International Exposition
- 1998 Philippine Centennial Celebrations
- World Exposition 2002 Manila (ipinagpaliban dahil sa problemang pampananalapi ng pamahalaan) Naka-arkibo 2012-02-05 sa Wayback Machine.
- Visit Philippines 2003
- WOW (World Of Wonders) Philippines Naka-arkibo 2017-06-14 sa Wayback Machine.
- It's more fun in the Philippines 2011
Remove ads
Tala ng mga Kalihim ng Turismo
(*) Pansamantalang Tagapamalakad (**) Sabay na ginagampanan bilang Pangulo
Mga sanggunian
Mga panlabas na kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads