Kamayan

gawaing militar ng sama-samang kainan sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Kamayan
Remove ads

Ang kamayan, kilala rin bilang kinamot o kinamut sa mga wikang Bisaya, ay ang tradisyonal na paraan sa Pilipinas ng pagkakain gamit ang mga kamay. Tumutukoy rin ito sa salu-salo, isang sama-samang handaan sa Pilipinas kung saan inihahain ang mga pagkain sa mga dahon ng saging at kinakain nang walang kagamitan.[1][2][3]

Agarang impormasyon Ibang tawag, Lugar ...
Thumb
Isang kamayan sa dalampasigan sa Baler, Aurora.
Thumb
Mga lalaki ng ika-2 Brigada ng Mekanisadong Impanterya ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ay sinamahan ng mga sibilyan sa isang boodle fight.

Isa pang katawagan sa kamayan ang boodle fight na ginagamit sa konteksto ng tradisyon ng militar na magsikain nang sabay-sabay.[4][5][6][7]

Remove ads

Etimolohiya

Ang kahulugan ng "kamayan" at "kinamot" ay "[kumakain] gamit ang kamay", mula sa salitang ugat na kamay at kamot na may parehong depinisyon.[8] Ang ibig sabihin ng "salu-salo" ay "handaan" o "bangkete", isang reduplikasyon ng salo, "kumain ng sabay" o "makisalo sa pagkain".

Ipinakikita ng mga reperensiya na ang salitang "boodle" ay balbal ng militar sa Estados Unidos para sa mga matatamis na kontrabando[9] katulad ng keyk, kendi at ice cream. Ang "boodle fight" ay parti kung saan nakahain na boodle.[10] Maaari ring nanggaling ang salita mula sa "kit and caboodle"; ang caboodle ay hinango mula sa boodle o booty.[11]

Remove ads

Kasaysayan

Pre-kolonyal ang kasanayan ng kamayan. Nailarawan ito sa mga ulat ni Antonio Pigafetta in the ekspedisyon ni Magellanes, pati na rin ng mga Kastilang misyonero noong pananakop ng Kastila. Habang mayroong mga kagamitan tulad ng mga kahoy na kutsara at sandok sa kulturang pre-kolonyal sa Pilipinas, hindi ipinangkain ang mga ito.[2][12][13]

Pinayagan ang kasanayan noong panahong Kastila, ngunit nasupil ito noong panahong Amerikano kung kailan agresibong itinaguyod ang etiketa ng mga Amerikano sa pagkain at ang paggamit ng mga kutsara at tinidor.[14][15]

Remove ads

Paglalarawan

Tumutukoy ang kamayan sa kilos ng pagkakain gamit ang kamay, na siyang tradisyonal na pamamaraan ng pagkakain sa kulturang Pilipino noong panahong prekolonyal. Nagagawa ito sa pagbuo ng maliit na bunton ng kanin, pagdagdag ng ulam na pampalasa, at pagsiksik nito gamit ang mga daliri hanggang sa makabuo ng maliit na tagilo, pag-angat sa bibig habang nakayapos sa mga apat na daliri, at pagpasok nito sa bibig gamit ang hinlalaki. Mga daliri ng isang kamay lang ang ginagamit sa buong proseso. Hindi ginagamit ang palad at hindi pumapasok ang mga daliri sa bibig. Dahil hindi ginagamit ang isa pang kamay, maaari itong gamiting panghawak ng plato o isang inumin.[3][16][17]

Tumutukoy rin ito sa tradisyonal na sama-samang handaan ng pamayanan o pamilya, kung saan nilalagyan ng kanin at iba't ibang makukulay na ulam ang mga dahon ng saging at kinakain nang sabay-sabay. Hinuhugasan ang mga dahon at bahagyang nilalaib sa apoy upang kuminis at sinasapinan ang isang mahabang lamesa.[18] Sa Kapuluang Batanes sa hilagang Pilipinas, ginagamit ang dahon ng tipuho sa tradisyon ng paghahain na tinatawag na vunung o vunong.[19]

Nakaayos ang mga pagkain sa pantay-pantay na distansiya sa buong lamesa upang matiyak na abot-kamay para sa lahat ang mga handang pagkain. Karaniwang ginagamit ang mga sumusunod na kanin: sinaing, sinangag, o bugnoy. Kabilang sa mga karaniwang ulam ang inihaw, litson, lumpiya, mga pritong karne (tulad ng crispy pata), tusino, tapa, longganisa, pansit, itlog na nilaga o maalat, lamang dagat, daing, at gulay na nabanlian, sariwa, o ginisa. Sinasabayan ito ng samu't saring sawsawan, kalamansi, bagoong, pati atsara. Isinasama rin ang mga panghimagas kagaya ng mangga (hinog o hilaw), pinya, pakwan, papaya, buko, letseplan, at iba't ibang kakanin. Kadalasang palamig, serbesa, alak o softdrink ang mga inumin. Bilang patakaran, hindi isinasama ang mga sabaw.[18][3][20][21][22]

Ang kamayan ay impormal at matalik na paraan ng kainan. Nagpaparamdam ito ng nais na magbahagi sa isa't isa, at nakikipag-usap ang mga kalahok habang kumakain. Wala itong istriktong etiketa at tuntunin hindi kagaya sa kanluraning kainan, at nakadepende ang inihahain na pagkain sa anuman ang naroroon. Maaaring magkamayan sa pribadong kainan ng pamilya o sa mga pagtitipon, pagdiriwang, piknik o pista. Dumadami nang dumadami ang mga Pilipinong restawran na naghahain ng pagkain sa paraan ng kamayan.[2][8][18]

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads