Cauliflower

bulaklak ng brocolli na walang chlorophyll From Wikipedia, the free encyclopedia

Cauliflower
Remove ads

Ang cauliflower (Tinagalog: koliplawer)[1], na may pangalang pang-agham na Brassica oleracea var. botrytis, ay isa sa ilang mga gulay na nasa loob ng uring Brassica oleracea, sa pamilyang Brassicaceae. Isa itong uri ng repolyong nakakain ang puting mga ulo ng mga bulaklak. Mabuting pagkaing pangkalusugan ang koliplawer, na maaring kainin ng luto, hilaw, o binuro.

Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Koli (paglilinaw), Kole (paglilinaw), Koles (paglilinaw), Kale (paglilinaw), at Kales (paglilinaw).
Agarang impormasyon Koliplawer, Espesye ...

Nakuha ang pangalan nito mula sa Latin na caulis ("repolyo") at bulaklak,[2] na isang pagkilala sa hindi pangkaraniwang lugar nito sa piling ng mga pagkaing halamang karaniwang nagbibigay lamang ng lunting dahong madadahong nakakain. Bukod sa repolyo, kabilang pa rin sa Brassica oleracea ang kole ng brusela (usbong ng brusela), mga kaleng tinatawag na koleng lunti (Brassica oleracea convar. acephala var. sabellica), brokoli at bersa, bagaman magkakaiba ang kanilang kapangkatang kultibar.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads