Mga labing Omo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang mga labing Omo ang kalipunan ng mga fossil na hominid na natuklasan sa pagitan ng 1967 at 1974 sa mga lugar na Omo Kibish sa Ilog Omo sa Omo National Park sa timog-kanlurang Ethiopia.[1]
Ang mga butong ito ay natuklasan ng pangkat siyentipiko mula sa Kenya National Museums na pinangasiwaan ni Richard Leakey at iba pa.[2] Ang mga labi mula sa Komoya's Hominid Site (KHS) ay tinawag na Omo 1 at ang natagpuan sa Paul's Hominid Site (PHS) ay tinawag na Omo 2.[3]
Ang mga bahagi ng mga fossil ang pinakamaagang inuri ni Leakey na Homo sapiens. Noong 2004, ang mga patong na heolohiko sa palibot ng mga fossil ay pinetsahan at ang mga may akda ay nagkonklud na "ang pagtatantiya ng edad ng mga hominid na Kibish ay 195,000 ± 5,000" na gumagawa sa mga fossil na ito na pinakamatandang alam na fossil ng Homo sapiens.[3] Sa isang artikulo noong 2005 hinggil sa mga labing Omo, isinaad na Nature magazine na dahil sa edad ng mga fossil na ito, ang Ethiopia ang kasalukuyang pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na "duyan o pinagmulan ng Homo sapiens".[4]
Remove ads
Tingnan din
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads