Lapulapu
datu ng Maktan From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Lapulapu (masigla noong 1521) ay isang Datu sa pulo ng Mactan sa Cebu, Pilipinas, na nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na nakipagtagisan sa mga taga-Yuropa. Siya rin ang pumatay sa manlalakbay na si Fernando Magallanes. Itinuturing sya na pinakaunang bayaning Pilipino. Kilala rin sya sa mga pangalang Çilapulapu, Si Lapu-Lapu, Salip Pulaka, at Khalifa Lapu o Caliph Lapu (ibinabaybay din bilang Cali Pulaco), ngunit pinagtatalunan ang pinagmulan ng mga pangalan na ito.
Si Lapulapu ay pinaniniwalaang isang Muslim na nagmula sa mga Tausug. Pinaniniwalaan din na si Lapulapu at Rajah Humabon ang mga nagtatag ng Kasultanan ng Cebu.
Bilang isang pinuno ng Mactan, si Lapulapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay madiin ang kanyang pagtanggi sa mga mapanlinlang na mga alok ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan nya ng magandang katayuan at natatanging pagkilala si Lapulapu, ngunit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga lumad at partikular na ang kamag-anak at angkan ni Lapulapu. Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi ni Lapulapu sa kanyang alok.
Samantala, isang anak na lalaki ni Datu Zula, kaaway ni Lapulapu, ang pumanig kay Magellan at kanilang binuo ang paglusob sa Kaharian ng Mactan. Hatinggabi ng ika-26 ng Abril, taong 1521, nang si Magellan, kasama ng kanyang mga kapanig na mahigit sa isang libo ay naglayag upang lusubin ang Mactan. Sa Opon kung saan matatagpuan si Lapulapu noon at sampu sa kanyang mga kaanak. Sa kabilang dako ay handa namang salubungin ito ng may 1,500 mandirigma ni Lapulapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-dagat. Nang magsalubong ang dalawang hukbo ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Mactan. Sa bandang huli ay nagapi ni Lapulapu si Magellan nang tamaan nya ito sa kaliwang binti. Si Magellan ay bumagsak sa lupa at dito na sya tuluyang pinatay ni Lapulapu.
Remove ads
Mga sanggunian
Mga dagdag na babasahin
Mga panlabas na kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads