Las Piñas

lungsod ng Pilipinas sa Kalakhang Maynila From Wikipedia, the free encyclopedia

Las Piñasmap
Remove ads

Ang Lungsod ng Las Piñas ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Napapaligiran ito sa hilaga at hilagang-silangan ng Lungsod ng Parañaque; sa silangan at timog-silangan ng Lungsod ng Muntinlupa; sa timog ng Munisipalidad ng Imus, Cavite; sa timog-kanluran at kanluran ng Munisipalidad ng Bacoor, Cavite; at sa timog-kanluran ng Look ng Maynila. Pamahayan (residential) ang kalahati ng nasasakupan ng lupain samantalang pangkalakalan (commercial), industriyal at institusyunal ang natitirang kalahati. Binubuo ang kasalukuyang pisograpiya ng Las Piñas ng tatlong sona: Look ng Maynila, Coastal Margin at Guadalupe Plateau. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 615,549 sa may 156,899 na kabahayan.

Agarang impormasyon Las Piñasᜎᜐ᜔ ᜉᜒᜈ᜔ᜌᜐ᜔ Lungsod ng Las Piñas, Bansa ...
Remove ads

Mga barangay

Ang Las Pinas ay nahahati sa 20 barangay:

Unang Distrito

  • Daniel Fajardo
  • Elias Aldana
  • Ilaya
  • Manuyo Uno
  • Manuyo Dos
  • Zapote
  • CAA-B.F. International
  • Pulanglupa Uno
  • Pulanglupa Dos
  • Pamplona Uno
  • Pamplona Tres

Pangalawang Distrito

  • Almanza Uno
  • Almanza Dos
  • Pamplona Dos
  • Pilar Village
  • Talon Uno
  • Talon Dos
  • Talon Tres
  • Talon Cuatro
  • Talon Singko

Etimolohiya

Ang kuwento tungkol sa tunay na pinagmulan ng pangalan ng lungsod na "Las Piñas" ay may iba't ibang bersyon. Ayon sa isang kuwento, ang mga mangangalakal mula sa lalawigan ng Cavite at Batangas ay unang nagdala ng kanilang mga piña (Salitang Kastila para sa pinya) upang ibenta sa bayang ito bago ito ipamahagi sa mga kalapit na pamilihan.[3]

Samantala, isa pang bersyon ang nagsasabi na ang pangalan ay nagmula sa salitang "Las Peñas" (ang mga bato), na makikita sa pagkuha ng mga bato at adobe na ginamit sa pagtatayo ng mga gusali at tulay.

Ang lumang kampana mula sa Simbahan ng Parokya ng San Jose na itinatag ni Padre Diego Cera ay nananatiling nakapreserba sa museo ng simbahan. May nakasulat sa kampana na:

"Siendo cura del pueblo de Laspeñas el M.R.P. Padre Diego Cera se fundió este equilón año de 1820,"

na nagpapakita na noong panahon pa ni Padre Diego Cera, ang unang kura paroko ng bayan, ang lugar ay tinawag na "Las Peñas" sa ilang panahon at kalaunan ay pinalitan ng pangalang "Las Piñas."

Thumb
Mapa ng Las Piñas
Remove ads

Demograpiko





Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...

Mga sanggunian

Mga Kawing Panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads