Lebanon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Libano o Lebanon (Arabo: لبنان Loubnân; Pranses: Liban) ay isang maliit at mabundok na bansa na napaparoon sa silangang dulo ng Dagat Mediterraneo.[1] Hinahangganan ito ng Sirya sa silangan at hilaga, at ng Israel sa timog. Nanggaling ang pangalang Lebanon mula sa Semitikong ugat na LVN, nangangahulugang ang mga “puting” tuktok ng Bulubunduking Lebanon (Bundok Lebanon[2]).
May ilang mga dantaong naging mahalagang daanan sa pagitan ng Asya, Europa, at Aprika ang Lebanon dahil pagiging sentro ng kalakalan at transportasyon. Dahil sa angkin kagandahan noon, tinawag itong "ang palaruan sa Gitnang Silangan"[3] Subalit, dahil sa pagkakaroon ng digmaang sibil, nahati ang mga mamamayan ng bansang ito.[1]
Remove ads
Mga teritoryong pampangasiwaan
- Beirut Governorate
- Beqaa Governorate
- Mount Lebanon Governorate
- North Governorate
- South Governorate
- Nabatieh Governorate
Mga sanggunian
Mga Kawing Panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads