Sulatang diplomatiko

From Wikipedia, the free encyclopedia

Sulatang diplomatiko
Remove ads

Ang sulatang diplomatiko ay ang ugnayang sulatan sa pagitan ng dalawang estado at karaniwang pormal ang katangian nito. Sinusunod nito ang ilang kinikilalang kaugalian at estilo sa pagsulat, nilalaman, anyo, at paraan ng pagpapadala, at karaniwang nahahati sa dalawang uri: mga liham at mga nota.

Thumb
Isang liham ng pakikiramay noong 1862 mula kay Abraham Lincoln kay Reyna Victoria sa pagpanaw ni Prinsipe Alberto, na nagpapakita ng republikang pagbating "Dakila at Mabuting Kaibigan."
Remove ads

Mga liham

Ang mga liham ay ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga pinuno ng estado. Karaniwan itong ginagamit para sa pagtatalaga at pagbabalik ng mga embahador; sa pagpapahayag ng pagkamatay ng isang monarka o ng pag-akyat sa trono; o para sa pagpapahayag ng pagbati o pakikiramay.[1]

Ang mga liham sa pagitan ng dalawang monarka na may pantay na ranggo ay karaniwang nagsisimula sa pagbating "Ginoo, Kapatid Kong Lalaki" (o "Ginang, Kapatid Kong Babae" kung babae ang monarka) at nagtatapos sa "Ang Mabuti Mong Kapatid" (o "Kapatid na Babae", kung babae ang monarka).

Kung ang isang monarka ay mas mababa ang ranggo kaysa sa kausap (halimbawa, kung ang Gran Duke ng Luksemburgo ay sumusulat sa Hari ng Nagkakaisang Kaharian), gagamitin ng mas mababang monarka ang pagbating "Ginoo" (o "Ginang"), samantalang maaaring tawagin naman ng nakatataas na monarka ang kabila bilang "Pinsan" sa halip na "Kapatid".[1] Kung alinman sa nagpapadala o tatanggap ay pinuno ng isang republika, maaaring magsimula ang liham sa pagbating "Aking Dakila at Mabuting Kaibigan" at magwakas sa "Ang Iyong Mabuting Kaibigan"; sa ilalim ng lagda ay isusulat ang "Para sa Aming Dakila at Mabuting Kaibigan [Pangalan at Titulo ng Tatanggap]".[1]

Liham ng pagtitiwala

Thumb
Inihaharap ng embahador ng Estonya sa Australya, si Andres Unga, ang kaniyang liham ng pagtitiwala kay Gobernador-Heneral Quentin Bryce noong 2013.

Ang liham ng pagtitiwala (lettres de créance) ay isang kasulatan na ginagamit ng pinuno ng isang estado upang hirangin o italaga ("kilalanin") ang isang embahador sa isang banyagang bansa.[2][3] Kilala rin bilang mga kredensiyal, nagtatapos ang liham sa isang pariralang "humihiling na pagkatiwalaan ang lahat ng maaaring sabihin ng embahador sa ngalan ng kaniyang monarka o pamahalaan."[2] Ang mga kredensiyal ay personal na inihaharap sa pinuno ng estado o sa biseroy ng bansang tatanggap sa isang pormal na seremonya. Maingat ang pagkakasulat ng mga liham ng pagtitiwala sapagkat ang pagpapadala o pagtanggap ng isang ganitong liham ay nagpapahiwatig ng pagkilalang diplomatiko sa kabilang pamahalaan.[2] Ang mga liham ng pagtitiwala ay nagmula pa noong ika-labintatlong dantaon.[4]

Liham ng pagpapabalik

Ang liham ng pagpapabalik ay isang liham o sulat ng pagpapabalik ng isang embahador sa kaniyang pinagmulang bansa o pamahalaang nagsugo. Maaaring ito ay isang paraan ng protestang diplomatiko (tingnan ang liham ng protesta) o dahil sa ang isang diplomata ay pinapalitan ng ibang sugo. Kabaligtaran ito ng liham ng pagtitiwala (liham ng pagsusugo). Ang mga liham na diplomatiko ay pangkalahatang nakasulat sa wikang Pranses (ang lingguwa prangka o "tunay na wika" ng diplomasya), maliban na lamang sa kung ang mga bansa ay gumagamit ng magkatulad na wikang opisyal.

Ang liham ng pagpapabalik ay inihaharap din ng isang bagong embahador, kasama ng kaniyang liham ng pagtitiwala, sa pinuno ng estado ng kaniyang pinuntahang bansa habang nagaganap ang kaniyang seremonya ng presentasyon o paghaharap ng mga kredensiyal (liham ng pagtitiwala). Ito ang opisyal na kasulatan na pormal na nagpapabalik sa kaniyang pinalitang embahador sa pinagmulan nitong bansa o pamahalaan.[5]

Mga kahulugan

Ayon sa The Free Dictionary by Farlex, ang liham ng pagpapabalik ay isang nakasulat na dokumentong itinuon ng tagapagpatupad ng isang pamahalaan sa tagapagpatupad ng isa pang pamahalaan, na nagbibigay-alam sa ipinadalhang tagapagpatupad ng pamahalaan na ang isang ministro na ipinadala ng nagpadalang tagapagpatupad ng pamahalaan ay ipinababalik nang pabalik sa nagpadalang pamahalaan.[6]

Ayon sa USLegal.com ang liham ng pagpapabalik ay isang opisyal na diplomatikong nakasulat na dokumento na nagpapabalik ng isang embahador pabalik sa nagsugong bansa o pamahalaan. Ihaharap ito ng isang bagong embahador (kasabay ng paghaharap niya ng sarili niyang liham ng pagtitiwala) sa pinuno ng estado ng tumatanggap na estado. Itinutuon ito ng tagapagpatupad ng isang pamahalaan sa tagapagpatupad ng ibang pamahalaan na nagpapabalik sa isang embahador, na maaaring paraan ng protestang pangdiplomasya o dahil sa ang isang diplomata ay ipadadala sa ibang lugar, magreretiro na, o naging isang persona non grata (isang taong hindi kinagigiliwan o isang taong inaayawan).[7]

Sa Ingles, ang recall o "pagpapabalik" ay maaaring tumukoy sa pagboto na tanggalin sa tungkulin ang isang opisyal,[8] na sa makatuwid ay isang "pag-alis", "pagpapaalis" o "pagtatanggal".

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads