Lingguhang kabahagi ng Tora
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang lingguhang kabahagi ng Tora (Ebreo: פרשת השבוע, parashat hashavu’a, "kabahagi para sa linggo") ang bahagi ng Torang binabasa tuwing umaga ng Sabado. Mayroong 54 kabahagi (Ebreo: פרשה, parasha) ang Tora, sumasang-ayon sa bilang ng mga linggo sa kalendaryong Ebreo. Hinahango ng bawat kabahagi ng Tora ang pangalan nito mula sa unang katangi-tanging salita o mga salita sa tekstong Ebreo.

Maryoon ding sinaunang siklong triyenyal na sinusundan sa ilang mga bahagi ng daigdig. Noong ika-19 at ika-20 dantaon, ipinatupad sa ilang mga tipon sa mga kilusang Askenasi ng mga Repormista at Masorti ang isang alternatibong siklong triyenyal kung saan isang katlo lamang ng lingguhang kabahagi ang binabasa sa isang taon at natatapos lamang ang buong Tora pagkatapos ng tatlong taon.
Remove ads
Talangguhit ng mga lingguhang kabahagi
Sa talangguhit, tinatakdaan ng asterisko ang mga kabahaging maaaring isama sa sumusunod na kabahagi, upang matumbasan ang mga nag-iibang bilang ng mga linggo sa taong lunisolar.
Remove ads
Tingnan din
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads