Lubusang kalakhan

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Lubusang kalakhan (kilala rin sa tawag na lubusang nakikitang kalakhan kapag sinusukat sa batayang bandang potometrikong V) ay isang sukatan sa intrinsikong liwanag ng mga bagay sa kalawakan. Ito ay ang maliwanag na kalakhan na mayroon ang isang bagay kapag nasa batayan itong layong luminosidad (10 parsecs, o 32.6 sinag-taon) na malayo sa tagatingin. Pinapayagan nito ang tunay na liwanag ng bagay na maipagkumpara kahit na hindi isama ang layo. Ang Bolometrikong kalakhan ay isang luminosidad na ipinapakita sa yunit ng kalakhan; ito ay tumatagal sa nakuhang enerhiya na may radiyasyon sa lahat ng alonghaba, kung sinusunod man o hindi.

Ginagamit rin ng lubusang kalakhan ang parehong konbesyon ng nakikitang kalakhan: isang paktor ng rasyong 100.4 (≈2.512) ng liwanag na sumusunod sa diperensiyang 1.0 sa kalakhan. Ang Daanang Magatas, halimbawa, ay mayroong lubusang kalakhan na −20.5. Kaya, ang isang quasar na mayroong lubusang kalakhan na −25.5 ay 100 beses na mas maliwanag kaysa sa ating galaksiya (dahil (100.4)(−20.5-(−25.5)) = (100.4)5 = 100).[1] [2]

Remove ads

Talababa

Mga kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads