Iligan
lungsod ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Lungsod ng Iligan (Cebuano: Dakbayan sa Iligan; Ingles: Iligan City) ay isang mataas ang pagka-urbanisadong lungsod na nasa hilaga ng lalawigan ng Lanao del Norte, Pilipinas, at dati itong kabisera ng nasabing lalawigan. Humigit-kumulang 795 kilometro ang layo nito mula sa timog-silangan ng Maynila. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 368,132 sa may 87,239 na kabahayan.
Remove ads
Etimolohiya
Ang salitang Iligan ay mula sa salitang Higaonon na iligan o ilijan na nangangahulugan "kuta ng tanggulan" laban sa madalas na pag-atake ng mga pirata at iba pang tribo sa Mindanao.
Kasaysayan
Sa nayon ng Bayug nagsimula ang lungsod ng Iligan, apat (4) na kilometro hilaga ng kasalukuyang Poblacion. Ito ang naging pinakaunang pamayanan ng mga katutubo bago dumating ang mga Kastila. Nabago ang kadalisayan ng lahi ng mga taal na mamamayan ng lugar nang magsimulang magdatingan noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon ang mga dayong Bisaya mula sa kaharian sa pulo ng Panglao.
Ayon sa mananalaysay na Hesuwita na si Francisco Combes, sinakop ng hari ng ng Mollucas ang Panglao na naging dahilan ng pag-alis nang maraming bilang ng mga mamamayan nito patungo sa kasalukuyang Dapitan, Zamboanga del Norte.
Pagiging Lungsod
Gamit ang mga hangganan nito noong ito ay isang bayan pa, ginawang lungsod ang Iligan noong Hunyo 16, 1950.[3] Inihayag na unang klaseng lungsod ang Iligan noong 1969 at inuri muli bilang Uring "A" na unang klaseng lungsod noong Hulyo 1, 1977 sa kapangyarihan ng PD. Bilang 465. Noong 1983, inuri muli itong isang mataas na urbanisadong lungsod.
Remove ads
Heograpiya
Naghahanggan ang Lungsod ng Iligan sa hilaga sa tatlong bayan ng Misamis Oriental, ang Lugait, Manticao at Opol, at sa tatlong bayan ng Lanao del Norte sa timog; ang mga bayan ng Baloi, Linamon at Tagoloan; at sa mga bayan ng Kapai, at Tagoloan II sa Lanao del Sur. Naghahanggan din naman sa hilagang silangan ang lungsod sa Lungsod ng Cagayan de Oro, sa silangan sa bayan ng Talakag, Bukidnon, at sa kanluran sa Look ng Iligan.
Mamamayan at Kultura
Pangunahing Kristiyanismo ang relihiyon sa lungsod ng Iligan(93.61%), kung saan karamihan dito ay kabilang sa Simbahang Katoliko. Cebuano ang pangunahing wikang sinasalita sa lungsod.
Mga Barangay
Ang Lungsod ng Iligan ay nahahati sa 44 na mga barangay, kung saan 6 ang urban at 38 ang rural.
|
|
|
Remove ads
Media
TV
- ABS-CBN Northern Mindanao (Channel 4 in Cagayan de Oro Relay)
- RMN DXIC TeleRadyo 7
- GMA 11
Radyo
AM
- RMN DXIC 711
- IBC DXWG Radyo Budyong 855
- DXBI Bombo Radyo 927
- DXRJ 1476
FM
- Barangay FM 90.1
- 92.1 Radyo Totoo
- MOR 92.9
- 95.1 Brigada News FM
- 99.3 Yes The Best
- 100.1 Hope Radio
- 100.9 Bandrea News FM
- 102.3 iFM
- 103.1 Wild FM
- 105.5 Radyo Pilipinas
- 107.1 Love Radio
Demograpiko
Remove ads
Mga sanggunian
Mga panlabas na kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads