Magadan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Magadan (Ruso: Магадан) ay isang pantalang lungsod at kabisera ng Magadan Oblast, Rusya, na matatagpuan sa Dagat Okhotsk sa Look ng Nagayev (sa loob ng Look ng Taui) at nagsisilbing pintuang-daan patungo sa rehiyong Kolyma.
Remove ads
Kasaysayan
Itinatag ang Magadan noong 1930 sa lambak ng Ilog Magadan,[3] malapit sa pamayanan ng Nagayevo. Noong panahon ni Joseph Stalin, ang lungsod ay isang pangunahing sentro ng paghahatid ng mga bilanggo sa mga kampong paggawa. Mula 1932 hanggang 1953, ito ay sentrong pampangasiwaan ng organisasyong Dalstroy—isang malawak at malupit na sapilitang paggawa na pamamahala sa pagmimina ng ginto at sistemang kampo ng sapilitang paggawa. Naglaon, nagsilbing pantalan ang lungsod para sa pagluwas ng ginto at iba pang mga metal na minina sa rehiyong Kolyma.[16] Mabilisang lumago ang lungsod nang pinaunlad nang husto ang mga pasilidad para sa lumalawak na mga gawaing pagmina sa lugar. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong ika-14 ng Hulyo, 1939.
Binisita ni noo'y Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos na si Henry Wallace ang Magadan noong Mayo 1944. Agad niyang nagustuhan ang nag-anyayang lihim na kapulisan, pinuri ang gawang-kamay ng mga bilanggo, at tinawag niyang pinagsamang Tennessee Valley Authority at Hudson's Bay Company ang lungsod.[17] Ang pagtutulungang paninindigan ni Wallace sa Unyong Sobyet ay nagpapigil sa muling paghirang sa kanya ng Partidong Demokratiko ng Estados Unidos bilang pangalawang pangulo sa tag-init ng 1944, at naging tulong sa pagpili ni Harry Truman sa kanyang puwesto.
Remove ads
Ekonomiya at imprastraktura

Paggawa ng barko at pangingisda ay mga pangunahing industriya ng lungsod. May pantalang pandagat ito, na mararaanan nang lubos mula Mayo hanggang Disyembre, at isang maliit na paliparang pandaigdig, ang Paliparan ng Sokol. May isang maliit na paliparang panloob na malapit dito, Paliparan ng Magadan-13. Ang baku-bakong Lansangang Kolyma ay tumutungo mula Magadan papunta sa mayamang rehiyon na nagmimina ng ginto ng itaas na Ilog Kolyma, at pagkatapos ay patungong Yakutsk.
Lubhang napakaliblib ang Magadan. Ang pinakamalapit na pangunahing lungsod na mararaanan ay Yakutsk, 2,000 kilometro (1,200 milya) ang layo sa pamamagitan ng hindi sementadong Lansangang Kolyma na mas-mainam na gamitin sa taglamig, lalo na dahil sa walang tulay sa ibabaw ng Ilog Lena sa Yakutsk. (Ang dalawang pagpipilian ay: ferry mula Nizhny Bestyakh tuwing tag-init, kung kailang may mga bahagi ng lansangan na hindi madaraanan dahil sa naimbak na tubig, o sa ibabaw ng yelo sa kalagitnaan ng taglamig).
Ang mga pangunahing pinagkukunan ng kita para sa lokal na ekonomiya ay pagmimina ng ginto at mga palaisdaan. Kamakailan, bumaba ang produksiyon ng ginto.[18] Ang produksiyon sa pangingisda, bagamat bumubuti taun-taon, ay mababa pa sa nakalaang kota, tila na bunga ng tumatandang plota.[19] Kasama sa ibang mga lokal na industriya ang mga planta ng pasta at longganisa at isang alakan.[20] Bagamat mahirap ang pagsasaka dahil sa mabangis na klima, mayroon pa ring mga pampubliko at pampribado na negosyong pagsasaka.
Remove ads
Demograpiya
Klima
Subartiko (Köppen climate classification Dfc) ang klima ng Magadan. Napakahaba at napakaginaw ang mga taglamig, na may hanggang sa anim na buwan ng sub-sero na mataas na temperatura, kaya nananatiling nagyeyelo ang lupa. Sumasaklaw sa karamihan ng rehiyon ang mayelong lupain at tundra. Ang panahon ng pagtubo ng mga halaman ay nasa isandaang araw lamang.
Ang karaniwang temperatura sa baybayin sa Dagat ng Okhotsk ay mula −22 °C (−8 °F) sa Enero hanggang +12 °C (54 °F) sa Hulyo. Ang karaniwang temperatura sa looban ay mula −38 °C (−36 °F) sa Enero hanggang +16 °C (61 °F) sa Hulyo.
Remove ads
Mga kambal at kapatid na lungsod
Magkakambal ang Magadan sa:
Anchorage, Estados Unidos (1991)
Tonghua, Jilin, Tsina (1992)
Jelgava, Latvia (2006)
Zlatitsa, Bulgaria (2012)
Shuangyashan, Tsina (2013)
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads

