Marco Aurelio

From Wikipedia, the free encyclopedia

Marco Aurelio
Remove ads

Si Marcus Aurelius Antoninus Augustus[notes 1](Abril 26, 121Marso 17, 180) ay ang emperador ng Roma mula sa taong 161 hanggang sa kanyang kamatayan noong 180. Kasabay niyang naging emperador si Lucius Verus hanggang sa pagpanaw ni Verus noong 169. Siya ang huli sa "Limang Mabubuting mga Emperador" at sinasabi na siya bilang isa sa mga mga pinakamahalagang mga pilosopong Stoiko. Sa kanyang pamumuno ng imperyo, tinalo nito ang isang nag-babalik-kapangyarihan na Imperyong Parthiano; Isang heneral ni Aurelius na si Avidius Cassius ang nagnakaw sa kabiserang sinakop na nagngangalang Ctesiphon noong 164. Kinalaban ni Aurelius ang mga Marcomanni, Quadi, at Sarmatia na may tagumpay sa mga Digmaang Marcomanniko ngunit nagkaroon ng banta mula sa mga tribong Aleman at ito ay naging isang naka-aalarma na katotohanan sa imperyo. Isang himagsikan sa silangan na pinamunuan ng kanyang heneral na nagngangalang Avidius Cassius ay hindi naging matagumpay na makaasenso at dali-daling tinapos ng pamahalaan.

Huwag itong ikalito kay Marcus Aurelius Antoninus.
Agarang impormasyon Marcus Aurelius Antoninus Augustus, Paghahari ...
Thumb
Marcus Aurelius

Ang kanyang akda, ang Meditations (literal na "Mga Meditasyon") na nakasulat sa Wikang Griyego habang nasa kampanya sa pagitan ng 170 at 180 ay bina-balik-balikan bilang isang monumento ng panitikan para sa isang pamahalaan ng paglilingkod at tungkulin. Ito ay nagpapakita ng halimbawa ng kung paano hinarap ni Marcus Aurelies ang Platonikong kaisipan ng isang pilosopong-hari at kung paano niya binigyan ng simbolismo ang pinakamaganda na paglalarawan sa Sibilisasyong Romano.[3]

Remove ads

Mga nota

  1. He was originally named Marcus Annius Catilius Severus (or perhaps Marcus Catilius Severus).[1] When he married he took the name Marcus Annius Verus,[2] and when he was named emperor, he was given the name Marcus Aurelius Antoninus.

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads