Margie Moran
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Maria Margarita Roxas Moran-Floirendo (ipinanganak noong 15 Setyembre 1953), kilala bilang si Margie Moran, ay isang Pilipinang beauty queen, aktres, at tagapagtaguyod ng kapayapaan na siyang naging pangulo ng Ballet Philippines at dating nanungkulan bilang tagapangulo ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.[2][3] Kilala rin siya sa kanyang pagkapanalo ng pangalawang korona ng Miss Universe para sa Pilipinas bilang Miss Universe 1973.[4][5][6][7]
Remove ads
Buhay at pag-aaral
Ipinanganak si Maria Margarita Roxas Moran noong 15 Setyembre 1953 sa mga magulang na sina Francis Gonzalez Morán, isang abogado, at Rosario McIlvain Roxas. Ang kanyang ama ay anak ng Punong Mahistrado na si Manuel Morán at ni Nieves Gonzalez de Morán,[8] na siyang apo ni Don Francisco Gonzalez y Reinado na siyang may-ari ng Hacienda Esperanza.[9][10]
Ang kanyang ina na si Rosario "Charo" Roxas ay isa sa tatlong anak ni Manuel Roxas, ang ika-limang Pangulo ng Pilipinas, at Juanita Muriedas McIlvain. Ang kanyang mga kapatid ay sina Consuelo Roxas-Javellana at Manuel "Manny" Roxas, Jr.[11]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads