Marso

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Marso ang ikatlong buwan ng taon sa kalendaryong Gregoryano at Juliyano. Ito ang ikalawa sa pitong buwan na may habang 31 araw. Nanggaling ang salitang Marso mula sa Kastilang Marzo. Sa Ingles, itong buwan ay tinatawag na March. Lahat ng ito ay nanggaling sa pangalan na Marte, ang diyos ng digmaan ayon sa mitolohiyang Romano.

1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Sa Hilagang Emisperyo, ang simulang meteorolohiko ng tagsibol ay unang araw ng Marso. Minamarkahan ang 20 o 21 bilang ekwinoksiyo ng Marso na ang simulang astronomiko ng tagsibol sa Hilagang Emisperyo and ang simula ng taglagas sa Timog Emisperyo, kung saan Setyembre ang panahong katumbas sa Marso ng Hilagang Emisperyo.

Remove ads

Kasaysayan

Thumb
Marso, mula sa Très Riches Heures du Duc de Berry, isang aklat ng mga panalangin na sinasabi sa mga oras kanoniko

Nagmula ang pangalang Marso sa Martius, ang unang buwan sa sinaunang kalendaryong Romano. Ipinangalan ito kay Marte, diyos ng digmaan ng mga Romano, at ang ninuno ng mga Romano sa pamamagitan ng mga anak nitong sina Romulo at Remo. Simula ng panahon ng pakikidigma ang kanyang buwan na Martius,[1] at sinasalamin ng iba sa Oktubre ang mga pista na ipinagdiriwang sa kanyang ngalan sa Marso, nang magsasara na ang panahon para sa mga aktibidad na ito.[2] Nanatiling unang buwan ang Martius sa kalendaryong Romano marahil noong hanggang pinakahuling 153 BC,[3] at ilang pagdiriwang relihiyoso sa unang kalahati ng buwan ay orihinal na mga pagdiriwang ang bagong taon.[4] Kahit noong huling antiguwedad, ang mga mosaikong Romano na ginuguhit ang mga buwan ay minsan nilalagay ang Marso bilang una.[5]

Remove ads

Mga simbolo

Thumb
Ang narsiso, ang bulaklak na sagisag ng Marso
Thumb
Mga batong hiyas na agwamarina
Thumb
Pinakinang na piyedra sanggre

Ang mga birthstone o kapanganakang-bato ng Marso ay ang agwamarina at piyedra sanggre. Sinsimbolo ng mga batong ito ang katapangan. Narsiso ang kapanganakang-bulaklak ng Marso.[6] Ang mga senyas ng sodyak ay Pisses hanggang sa tinatayang Marso 20 at Aries mula sa tinatayang Marso 21 pataas.[7]

Remove ads

Mga pagdiriwang

Hindi kinakailangan ang talang ito na magpahiwatig ng aliman sa katayuang opisyal o pangkalahatang pagdiriwang.

Buong buwan

  • Sa tradisyong Katoliko, buwan ni San Jose ang Marso.
  • Buwan ng Kasaysayan ng Kababaihan (Australya, Reyno Unido, Estados Unidos)
  • Buwan ng Ginampanan ng mga Kababaihan sa Kasaysayan (Pilipinas)[8]

Amerikano

  • Buwan ng Kamalayan ng Paralisis na Serebral[9]

Naililipat

Ikalawang Linggo

Marso 19, maliban kung Linggo ang ika-19, Marso 20 ito

Ekwinoksyo ng Marso: c. Marso 20

Huling Sabado

Huling Linggo

Nakapirmi

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads