Inhenyeriyang mekanikal

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang inhenyeriyang mekanikal ay isang disiplina ng pag-inhenyero na ginagamit ang mga prinsipyo ng pisika at siyensa ng mga materyal para sa pag-aanalisa, pagdidisenyo, paggawa, at pag-ayos ng mga mekanikal na systema. Ito ay isang sangay ng inhenyeriya na may kaugnayan sa paggawa at paggamit ng init at mekanikal na kapangyarihan sa paggawa at pag-opera ng mga makina at kagamitan. Ito ay isa sa mga pinakasinauna at pinakamalawak na parte ng pag-iinhenyero. Ang inhenyeriyang mekanikal ay nangangailangan ng malawak na pagkaka-intindi sa mga kaibuturang konsepto tulad ng mekanika, kinematika, thermodinamiko, materyal na siyensiya at istruktural na analisis. An mga mekanikal na inhenyero ay gumagamit ng mga kaibuturang prinsipyo tulad ng mga instrumento tulad ng “computer aided engineering” at “product lifecycle management” para maidisenyo at masuri ang mga pagawaan, mga kagamitang industriyal, mga makina, mga sistemang pampainit at pampalamig, mga systema sa paggalaw, mga eroplano, barko, robotiks, kagamitang medikal at iba pa.

Ang inhenyeriyang mekanikal ay nagsimula noong rebolusyong industryal sa Europa noong ika-18 siglo, ngunit ang mga prinsipyo nito ay maaaring bakasin hanggang sa ilang libong taon nang nakaraan. Ang pag-iinhenyerong mekanikal ay umiral sa ika-19 na siglo dahil sa paglabas ng mga pag-uunlad sa pisika at patuloy na nadadagdagan para maisama ang mga pinakabagong aspeto ng teknolohiya. Sa ngayon, ang sangay na ito ay umuunlad dahil sa pagdagdag ng mga komposito, mekatroniko at teknolohiyang nano. Ang mekanikal na pag-iinhenyero ay kasama sa inhenyeriyang pansasakyang himpapawid, inheyeriyang sibil, inhenyeriyang electronika at inhenyeriyang pampetrolyo.

Remove ads

Kurso

Ang kada bansa ay may kaniya-kaniyang batayan para maging parepareho ang isang kurso. Ito din ay para maging Ito din ay para mapanatili ang kakayahan ng mga inhenyero, mapanatili din ang tiwala sa pagiinhenyero. Ang mga programa sa pagiinhenyero sa U.S., ay bilang halimbawa ay pinakpapakailangan ng ABET, na kaya ipakita ng mga studyante nila na kaya nila magtrabaho sa parehong thermal at mekanikal na systema. Mga spesipikong kurso na kaylangan para makatapos ay nagiiba kada programa, mga unibersidad at mga paaralan ng teknolohiya ay kadalasang ipagsasama sama ang isang kurso sa isang klase, o paghihiwahiwalayin ang isang kurso sa madaming klase, depende sa dami ng mga propesor, at sa gawain ng inbersidad.

Ang mga saligang kurso ng mga mekanikal na paginhenyero ay kadalasang kasama ang:

  • Estatiks at dinamika
  • Kalakasan ng mga materyal at solid mechanics
  • Instrumentasyon at pagsusukat
  • Elektroteknolohiya
  • Elektronika
  • Termodinamika, paglipat ng init, pagpalit ng enerhiya, at HVAC
  • Mekanika ng fluid at dinamika ng fluid.
  • Pagdidisenyo ng Mekanismo (kasama ang kinematika at dynamika)
  • Manufacturing engineering, technology, or processes
  • Hydrolika at niyumatika
  • Matimatika - in particular, calculus, differential equations, and linear algebra.
  • Pagdidisenyong Inhenyeriya
  • Pagdidisenyo ng Produkto
  • Mekatronika and theoriyang kontrol
  • Inhenyeriyang materyal
  • Design engineering, Pagdradraft, gabay-kompyuter na pagdidisenyo o computer-aided design (CAD) (kasama ang solid modeling), at gabay-kompyuter na paggagawa (o manufacturing) (CAM)[13][14]

Inaasahang lubos na mauunawaan ang inhenyeriyang mekanikal sa paggamit ang mga simpleng kaalaman galing sa kemistri, pisika, inhenyeriyang pangkemikal, inhenyerong sibil at paginhenyerong elektrikal. Halos lahat ng mga programa para maging mekanikal na paginhenyero ay madaming kasama na klase ng kalculus at iba pang mas mataas na lebel na matematika tulad ng mga ekwasyong diperensyal, parsyal na diperensasyon, linyar na ekwasyon, abstraktong algebra at diperensiyal na heometriya. Iba pang kasama sa isang kurikulo ng mga mekanikal na paginhenyero ay mga klase para sa pag eespesiyala, tulad ng robotiks, pagaangkat, logistics, cryogenics, teknolohiyang panggatong, inhenyeriyang pansasakyan, biomekaniko, vibration, optico, atbp.

Halos lahat ng mga kurso sa mekanikal na paginhenyero ay may kasama din na programa na nangangaylangan ng mabigat o magaangna pagsaliksik para magkaroon ng karanasan sa pagayos ng mga problema. Normal din sa mga studyante ng mekanikal na paginhenyero na kumuha ng mga “internship” habang nagaaral, kaso hindi siya palaging kinakaylangan.

Remove ads
Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads