Melquisedec

From Wikipedia, the free encyclopedia

Melquisedec
Remove ads

Si Melquisedec ay isang pambihirang taong dalawang ulit na binanggit sa Bibliyang Hebreo o Matandang Tipan. Hari ng Salem   o Herusalem[1]   si Melquisedec, at pari o saserdote ng Pinaka Nakatataas, noong kapanahunan ng makabibliyang patriyarkang si Abram. Naglabas siya ng tinapay at alak, binasbasan si Abram, tumanggap ng mga pahunos mula sa kanya. (Hen. 14:18-20).[2] Tinukoy siya sa Salmo 110:4 kung saan ipinahayag ang matagumpay na hari bilang isang "... pari magpakailanman, alinsunod sa pagkapari ni Melquisedec."[3][4] Inaalala siya bilang isa sa mga Banal na mga Ninuno sa Kalendaryo ng mga Santo ng Armenyanong Apostolikong Simbahan tuwing Hulyo 30. Sa ritong Romano, inaalala siya tuwing Agosto 26. Binabanggit siya sa Romanong Kanon, ang Unang Panalanging Eukaristiko ng Romanong rito.

Thumb
Si Melquisedec.
Remove ads

Paglalarawan

Pangalan

Nangangahulugan ang pangalan ni Melquisedec bilang "hari ng kakatuwiranan".[1]

Pagkahari

Naghari si Melquisedec sa Salem, ang sinaunang pangalan para sa Herusalem. Isa itong lungsod na Cananeo noong kapanahunan ni Abraham. Bukod sa pagiging hari, isa rin siyang pari.[1]

Pagkapari

Ayon kay Jose C. Abriol, isang tunay na pari si Melquisedec na nilarawan ni San Pablo bilang isang larawan ni Hesus.[3] Siya ang sagisag at prototipo ng "dakilang pari't haring" si Hesus.[1] Magkatulad sa tatlong bagay si Melquisedec at si Hesukristo: (a) sa pagkapari, (b) sa pagkahari, at (c) pareho silang nag-alay sa Diyos ng "tinapay at alak". Kapwa nagbuhat mula sa Diyos ang pagkapari ni Hesus at ni Melquisedec. Kaiba sila kapag inihambing kay Aron dahil hindi sila nagbuhat sa lahi ni Levi.[3]

Remove ads

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads