Ang Metano o Methane (IPA: /ˈmɛθeɪn/ o /ˈmiːθeɪn/) ay isang kompuwesto na may pormulang kemikal na CH4. Ito ang pinakasimpleng alkane na pangunahing bahagi ng natural na gaas at malamang ay ang pinakasaganang organikong kompuwesto sa mundo. Ang relatibong kasaganaan ng metano ay gumagawa ritong nakakaakit na panggatong. Gayunpaman, dahil ito ay isang gaas sa normal na kondisyon, ang methane ay mahirap na ilipat mula sa pinagmulan nito. Ang atmosperikong metano ay isang relatibong makapangyarihan na gaas na greenhouse. Ang konsentrasyon ng metano sa atmospero ng mundo noong 1998 na inihahayag bilang isang praksiyong mole ay 1745 nmol/mol (mga bahagi kada bilyon, ppb) na tumaas mula 700 nmol/mol noong 1750. Noong 2008, ang pandaigdigang mga lebel ng metano na nanatiling karamihang patag mula 1998 ay tumaas sa 1800 nmol/mol.[2]
Agarang impormasyon Mga pangalan, Mga pangkilala ...