Mga misteryong Mitraiko
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang mga Misteryong Mitraiko o Mithraic Mysteries ay mga relihiyong misteryong sinanay sa Imperyo Romano mula mga ika-1 hanggang ika-4 na siglo CE. Ang pangalan ng diyos na si Mithra na ginawang Griyego bilang Mithras ay iniugnay sa isang bago at natatanging paglalarawan. Ito ay tinukoy ng mga Romano na Mga Misteryo ni Mithras o Mga Misteryo ng mga Persa (Persian). Ito ay tinutukoy ng mga modernong historyan bilang Mitraismo[1] o minsan ay Mitraismong Romano.[2][3] Ang mga misteryong ito ay sikat sa hukbong Romano.[4]

Ang mga mananamba ni Mithras ay may masalimuot na sistema ng pitong mga grado ng inisiasyon na may mga ritwal na pagkain. Ang mga inisiyado ay tumawag sa kanilang mga sarili na syndexioi na mga "nagkaisa sa pamamagitan ng pagkakamay".[5] Ang mga ito ay nagtatagpo sa mga pang-ilalim na templo na tinatawag na mithraea na nagpatuloy sa malaking mga bilang. Ang kultong ito ay lumilitaw rin na may episentro sa Roma.[6]
Ang ilang mga pagkakatuklas na arkeolohikal, kabilang ang mga tagpuang lugar, mga monumento, mga artipakto ang nag-ambag sa modernong kaalaman tungkol sa Mitraismo sa buong Imperyo Romano.[7] Ang mga eksenang ikoniko ni Mithras ay nagpapakita sa kanyang ipinanganak mula sa isang bato, nagpapaslang ng isang toro, at nagsasalo ng isang salo-salo sa diyos na si Sol(ang Araw). Ang mga 420 lugar ay nagdulot ng mga materyal na nauugnay sa kultong ito. Kabilang mga mga bagay na natuklasan ang mga 1000 inskripsisyon, 700 mga halimbawa ng eksenang pagpatay ng toro(tauroctonya) at mga 400 iba pang mga monumento.[8] Tinatayang may mga hindi bababa sa 680-690 Mithraea sa Roma.[9] Walang nakasulat na mga salaysay o teolohiya ang umiiral, may limitadong impormasyon na mahahango mula sa mga inskripsiyon at tanging maikli mga reperensiya sa mga panitikang Griyego at latin. Ang interpretasyon ng ebidensiyang pisikal ay nananatiling problematiko at pinagtatalunan.[10]
Ang mga mismong Romano ay tumuturing sa mga misteryo na may mga pinagkunang Persian o Zoroastrian. Simula noong mga 1970, ang nananaig na skolarsyip ay nagbigay pansin sa hindi pagkakatulad sa pagitan ng pagsambang Persian-Mithra sa Romano-Mitraikong at ang mga misteryo ni Mithras ay pangkalahatan ngayong nakikitang natatanging produkto ng daigdig na relihiyoso ng Imperyo Romano.[3] Sa kontekstong ito, ang Mitraismo ay minsang nakikitang katunggali ng sinaunang Kristiyanismo.[11]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads