Mitolohiyang Etrusko
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang mitolohiyang Etrusko ay tumutukoy sa mitolohiya ng mga diyos at diyosa ng kabihasnang Etrusko, mga taong hindi nalalaman ang pinagmulan at namuhay sa Hilagang Italya. Mayroong sariling pananampalataya ang mga taong ito. Sa pagiging kasanib ng mga Etrusko sa ilalim ng Imperyo ng Roma, karamihan sa mga paniniwala, kaugalian, at mga sinasambang diyus-diyosan ng mga taong ito ang naging bahagi ng kulturang Romano at napabilang sa Romanong panteon. Naniniwala ang mga Etruskong ipinahayag sa kanila ang kanilang relihiyon sa pamamagitan ng mga sinaunang sir (binabaybay na seer sa Ingles), o mga taong klerboyante o may kakayahang maglakbay-diwa.[1]

Kabilang sa mga diyos at bayani ng mga Etrusko sina Tinia, Uni, Menrva, Apulu, Artumes, at Hercle. Naririto ang katumbas ng mga ito sa Griyego at Romano:[2]
Tinia, Tina, o Tin | Zeus | Hupiter (Jupiter) |
Uni | Hera | Huno (Juno) |
Menrva | Atena (Athena) | Minerva |
Apulu o Aplu | Apollo | Apollo |
Artumes | Artemis | Diana |
Hercle | Herakles | Herkules (Hercules) |
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads