Monoteismo

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang monoteismo ay inilalarawan ng Encyclopædia Britannica bilang paniniwala sa pag-iral ng isang diyos o sa pagiging isa ng diyos. [1] Ito ay inilalarwan ng Oxford Dictionary of the Christian Church bilang "paniniwala sa isang personal at transendenteng diyos na taliwas sa politeismo at panteismo. [2] Ang isang pagtatangi ay maaaring gawin sa pagitan ng eksklusibong monoteismo gaya ng Hudaismo, Kristiyanismo at Islam at sa parehong inklusibong monoteismo at pluriporma na bagaman kumikilala sa maraming mga natatanging mga diyos ay nagpapalagay ng isang pundamental na pagkakaisa ng mga ito. [3] Sa mas malawak na kahulugang ito, ang mga moneteistikong relihiyon ay kinabibilangan ng Atenismo, Pananampalatayang Bahá'í, Cao Dai, Cheondoism (Cheondogyo), Deismo, Eckankar, Hinduismo (Vaishnavism, Shivaism), Ravidassia, Seicho no Ie, Sikhismo, Tenrikyo at Zoroastrianismo.[4]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads