Nadine Samonte
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Nadine Burgos Eidloth-Chua, kilala bilang Nadine Samonte (ipinanganak Marso 2, 1988) ay isang aktres na Filipina.
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Marso 2010)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Remove ads
Talambuhay
Si Nadine Samonte ay anak nina Frank Eidloth, isang Aleman at Edjenta Burgos, isang Filipina. Nagsimula si Nadine sa ABS-CBN Talent Center noong 14 na taong gulang siya. Ngunit naging sikat siya sa programang pampaligsahan ng GMA Network na StarStruck na ginanap noong 2003. Matapos ang programang ito ay gumanap si Nadine sa Love to Love at di kalaunan ay gumanap din siya sa Ikaw sa Puso na kung saan una niyang nakatambal niya si Oyo Boy Sotto, anak ng batikang komedyante at mang-aawit na si Vic Sotto.
Muling nagkatambalan sina Nadine at Oyo Boy sa pelikulang Forever My Love at ang programang pantelebisyon na Leya: Ang Pinakamagandang Babae sa Ilalim ng Lupa na gawa ng TAPE Inc. Noong 2004, ginawaran si Nadine ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ng gawad bilang "Most Promising Actress".
Panandaliang tumigil si Nadine sa paggagnap sa pelikula at telebisyon. Matapos niyang mamahinga ay gumanap si Nadine sa mga programang pantelebisyon na Now and Foverever: Ganti at Etheria. Gumanap rin siya sa mga pelikulang Hari ng Sablay at Lagot Ka Sa Kuya Ko. Mapapanood ngayon si Nadine Samonte sa dramang pantelebisyon na Bakekang.
Ang tagapangasiwa ni Nadine na si Jeffrey Gamil ang nagbigay sa kanya ng pangalang "Samonte".
Remove ads
Pilmograpiya
Telebisyon
Pelikula
- Pitong Dalagita (2006)
- Isusumbong Kita sa Kuya Ko (2006)
- Say That You Love Me (2005)
- Hari ng Sablay (pelikula) (2005)
- Happily Ever After (2005)
- Enteng Kabisote: Okay ka fairy, the legend (2004)
- Forever My Love (2004)
- Kilig... Pintig... Yanig... (2004)
Remove ads
Mga parangal
- Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awardee (2004) - "Most Promising Female Actress" (Pinaka May Pag-asang Aktres)
Mga sanggunian
Mga link na panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads