Agham na panghukbong pangdagat
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang agham na panghukbong-dagat (Ingles: naval science) ay isang kurso o agham na pinag-aaralan ng mga estudyanteng nais kumuha ng degring Batsilyer sa Agham na Panghukbong-dagat (Bachelor of Naval Science) bilang paghahanda upang makapagsilbi bilang mga nakakumisyong opisyal sa hukbong pangdagat at hukbong marino, bagaman hindi ito nangangahulugan na pagka nakatapos na sa kurso ay magiging kabahagi na sila sa nakareserbang mga opisyal na panghukbong pangdagat.[1]
Kabilang sa mga paksang pinag-aaralan sa kursong ito ang mga klase na panglaboratoryo, pang-oryentasyon (pagpapakilala ng kurso), inhinyeriyang panghukbong-dagat, mga sistemang pangsandata, lakas na pangdagat, nabigasyon (paglilibot na pangdagat), operasyong pangdagat, ebolusyon ng digmaang pangdagat, pamamahala na pang-organisasyon, pakikidigmang pang-ampibyan, pamumuno sa hukbong marino, at pamumuno at etika.[1]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads