Nazaret

lungsod sa Israel From Wikipedia, the free encyclopedia

Nazaretmap
Remove ads

Ang Nazaret[1] (Arabo: الناصرة, an-Nāṣirah; Ebreo: נצרת, Natzrat) ay isang lungsod sa hilagang Israel at ang pinakamalaking lungsod na Arabo sa bansa. Kaya nabansagan ito bilang "ang kabiserang Arabe ng Israel".[2] Makikita ang Nazaret sa bandang timog ng Bulubunduking Lebanon, sa matarik na dahilig ng isang burol, mga 23 km ang layo mula sa Lawa ng Galilea at 10 km pakanluran mula sa Bundok Tavor, sa altitud ng 351 m. Nakatayo nang mas malapit sa paanan ng burol kaysa sa sinaunang lungsod (old city) ang modernong lungsod.

Agarang impormasyon Nazaret נצרת الناصرة, Bansa ...

Noong 2018, mayroon itong populasyon na 77,064.[3] Karamihan sa mga naninirahan ay mga mamamayang Arabe ng Israel, na 69% nito ay Muslim at 30.9% naman ang Kristiyano.[2][4][5][6] Naideklara ang Nof HaGalil (dating Nazareth Illit; lit. "Mataas na Nazaret"), bilang hiwalay na lungsod noong Hunyo 1974, na ginawa kasama ng lumang Nazaret, at may isang populasyong Hudyo na 40,312 noong 2014.[7]

Remove ads

Galerya

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads