Wikang Napolitano

From Wikipedia, the free encyclopedia

Wikang Napolitano
Remove ads

Ang Napolitano (awtonimo: ('o n) napulitano IPA: [(o n)napuliˈtɑːnə]; Italyano: napoletano) ay isang wikang Romanse ng grupong Italo-Dalmata na sinasalita sa karamihan ng kalupaang Katimugang Italya, maliban sa katimugang Calabria at katimugang Apulia,[2][3][4] at sinasalita sa isang maliit na bahagi ng Kalagitnaang Italya (ang lalawigan ng Ascoli Piceno sa Marche). Ito ay pinangalanan sa Kaharian ng Napoles na dating sumakop sa kalakhan ng lugar, kung saan ang lungsod ng Napoles ang kabesera. Noong Oktubre 14, 2008, isang batas ng Rehiyon ng Campania ang nagsasaad na ang Napolitano ay dapat pangalagaan.[5]

Agarang impormasyon Napolitano, Katutubo sa ...

Ang terminong "wikang Napolitano" ay malawakang ginagamit sa artikulong ito upang tumukoy sa grupo ng mga malapit na nauugnay na Romanseng diyalekto na matatagpuan sa katimugang kontinental na Italya, gaya ng inilarawan sa itaas. Gayunpaman, gaya ng ipinahihiwatig mismo ng termino, maaari rin itong mas partikular na tumutukoy sa wikang katutubo sa lungsod ng Napoles at sa kalakhang sakop nito. Sa mga konteksto mula sa kolokyal na pananalita hanggang sa akademikong lingguwistika, "Napolitano", napulitano, o napoletano ay kadalasang tumutukoy sa mga partikular na varayti na sinasalita sa Napoles at ang nakapaligid kaagad na kalakhang pook ng Napoles.[6][7]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads