Nicolás Maduro

From Wikipedia, the free encyclopedia

Nicolás Maduro
Remove ads

Si Nicolás Maduro Moros (pagbigkas sa wikang Kastila: [nikoˈlaz maˈðuɾo ˈmoɾos]; ipinanganak noong 23 Nobyembre 1962) ay isang politiko ng Venezuela na naging Pangulo ng Venezuela magmula 2013. Dating siya ang Pangalawang Pangulo ng Venezuela at Ministro ng Ugnayang Panlabas. Si Maduro ang naging pansamantalang Pangulo kasunod ng kamatayan ng Hugo Chávez. Siya ang nahalal na Pangulo noong 14 Abril 2013.

Agarang impormasyon Pangulo ng Venezuela, Pangalawang Pangulo ...

Bilang isang dating tsuper ng bus, si Maduro ay naging isang pinuno ng unyong pangkalakal (trade union), bago mahalal sa Pambansang Kapulungan noong 2000. Naitalaga siya sa ilang mga posisyon sa loob ng Pamahalaan ng Venezuela sa ilalim ni Chávez, na humantong sa kaniyang pagiging Ministro ng Ugnayang Panlabas noong 2006. Inilarawan siya noong panahong iyon bilang ang pinaka may kakayahang tagapangasiwa at politiko sa "mas panloob na bilog" ni Chávez.[1]

Pagkaraan ng kamatayan ni Chávez noong 5 Marso 2013, inako ni Maduro ang mga kapangyarihan at mga pananagutan bilang Pangulo. Isang natatanging halalan ang ginanap noong 14 Abril noong taon ding iyon upang maghalal ng bagong Pangulo, na pinagwagian ni Maduro ng mayroong halos pagpapantayan ng bilang ng mga bato ng magkakalaban, bilang kandidato mula sa Nagkakaisang Partidong Sosyalista. Ang kaniyang pangunahing katunggali sa halalang iyon ay si Henrique Capriles, na Gobernador ng Miranda. Ang pagka makasaligang-batas ng kaniyang pag-ako ng kapangyarihan at ang kaniyang pagkakahalal sa katungkulan ay pinag-aalinlanganan ng oposisyon (katunggali).[2][3]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads