Okha, Rusya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Okha (Ruso: Оха́) ay isang lungsod at sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Okhinsky ng Sakhalin Oblast, Rusya. Matatagpuan ito sa silangang baybaying-dagat ng dulong hilaga ng Pulo ng Sakhalin, sa layo na humigit-kumulang 850 kilometro (530 milya) hilaga ng Yuzhno-Sakhalinsk, malapit sa dalampasigan ng Dagat Okhotsk. Mayroon itong populasyon na 23,008 katao ayon sa Senso 2010.[2]
Remove ads
Kasaysayan
Itinatag ito kasunod ng pagkatuklas ng petrolyo sa lugar noong 1880, una sa pangalang Okhe. Hinango ito mula sa isang salitang Ainu na nagngangahulugang "Masamang Tubig" ("Bad Water"). Nagsimula ang industriyal na paggagalugad ng mga reserba ng petrolyo noong 1923, sa kasagsagan ng pananakop ng mga Hapones sa Pulo ng Sakhalin noong 1920-1925. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong 1938.
Nakaranas ng pinsala ang lungsod noong naganap ang Lindol sa Neftegorsk ng 1995 noong Mayo 28, at ginawang mahalagang himpilan para sa mga tagasagip na ipinadala to Neftegorsk na nawasak nang husto kaya hindi na ito muling itinayo. Inilipat ang ilang mga nakaligtas na taga-Neftegorsk sa Okha. Tumama sa lungsod ang isang mahinang lindol noong Mayo 10, 2005, ngunit walang naitalang namatay o malakihang pinsala rito.
Remove ads
Demograpiya
Ekonomiya
Kasama ang sentrong pampangasiwaan na Yuzhno-Sakhalinsk, ang Okha ay sentro ng industriya ng petrolyo sa oblast. Bumabagtas ang isang linya ng tubo ng langis at tubo ng gas mula Okha papuntang Komsomolsk-na-Amure sa kalupaang Rusya. Malapit sa lungsod ang ilang mga balon ng langis, karamiha'y pinamamahala ng kompanyang Rosneft.
Transportasyon
Nasa hilagang dulo ng sistemang daanan ang lungsod. Mayroon dating ugnayang daambakal sa sistema ng makitid na riles ng Sakhalin sa Nogliki, ngunit sinarado ito noong 2006.
Mayroon ding isang paliparan sa Okha na may mga serbisyo patungong Khabarovsk at Yuzhno-Sakhalinsk.
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads