Paelya

paraan ng paghanda ng kanin at ulam sa Sangkaispanuhan From Wikipedia, the free encyclopedia

Paelya
Remove ads

Ang paelya (Balensyano/Kastila: paella) ay isang lutuing kanin na orihinal na nagmula sa València, kung saan madalas itong kinakain partikular na tuwing Linggo at tuwing les falles. May maraming uri ng paelya at may iba-iba itong mga kasangkapan.

Thumb
Paelyang-dagat na may gisantes
Agarang impormasyon
Thumb
Paelyang Balensyano

Ang salitang paella ang katawagan sa Balensyano para sa “kawali”. Gayumpaman, naging napakapopular ng pagkaing paelya sa Kastila na ang salitang paellera na ang ginagamit para sa kawaling nilulutuan ang paelya at paella halos para sa pagkain lamang. Sa València gayumpaman ginagamit pa rin ang paella para sa kawali gayundin sa pagkain.

Madalas pinamamalutian ang paelya ng gulay at ng karne o pagkaing-dagat. Ang tatlong pangunahing kasangkapan ay kanin, kasubha, at mantika ng oliba.

Thumb
Paelyang niluluto at kinakain sa gitna ng kalye habang les falles

Noong pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas, ipinamana nila ang kanilang lutuin sa mga Pilipino. Dahil sa kadalian ng paghuli ng pagkaing-dagat sa Pilipinas dulot ng pagkakapuluan ng bansa, naglalaman ang paelyang Pilipino ng higit na nakararaming húling-dagat. Maaaring gamitin sa paelyang Pilipino ang alimango, orejas de mar, toyo, atswete (para pangkulay), kabya, at iba pa.

Remove ads

Mga kaugnay na pagkain

Mga panlabas na kawing

Remove ads
Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads