Tiktik
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang mga detektib,[1] tiktik, batyaw o sekreta (Ingles: detective, secret service man) ay isang uri ng imbestigador o espiya na nagsisiyasat hinggil sa mga pangyayaring kriminal. Inaasahang sa proseso ng imbestigasyon na malalaman niya at maituturo kung sino ang tunay na gumawa ng krimen. Tinatawag din itong tiktik o katiktik, na isang uri ng alagad ng batas[2] at imbestigador, na maaaring kasapi sa ahensiya ng pulisya o isang taong pribado. Tinatawag na pribadong imbestigador (mga P.I. o "Pribadong I", na pinanggalingan ng nilarong mga salitang "private eye" o "pribadong mga mata"). Sa hindi pormal na pangangahulugan, pangunahin na sa kathang-isip, ang detektib ay isang lisensiyado o walang lisensiyang taong lumulutas ng mga krimen, kasama na ang krimeng pangkasaysayan o historikal, o tumitingin sa mga tala o mga rekord.
- Tungkol ito sa isang trabaho. Para sa sekreto, pumunta sa lihim. Tunguhan din ang Lihim (paglilinaw). Tingnan din ang espiyonahe.
- Para sa palabas na pantelebisyon, tingnan ang Imbestigador.
Tinatawag din ang imbestigador bilang tagapagsiyasat, tagapaglitis, tagapag-usig, o tagapagsuri[1], na isang uri ng taong nag-iimbestiga hinggil sa mga pangyayaring kriminal at pook na pinangyarihan ng mga krimen.
Remove ads
Tingnan din
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads