Taong Peking
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Taong Peking (Tsino: 北京猿人; pinyin: Běijīng Yuánrén), na kilala rin bilang Sinanthropus pekinensis o Pithecanthropus pekinensis[1] ngunit pangkasalukuyang tinatawag na Homo erectus pekinensis, ay isang halimbawa ng Homo erectus. Isang pangkat ng mga ispesimeng fossil ang natagpuan noong 1923 hanggang 1927 habang naghuhukay sa Zhoukoudian (Chou K'ou-tien) malapit sa Beijing (na kilala bilang Peking noon), Tsina. Mas kamakailan lamang, pinetsahan ang mga natuklasan mula mga 500,000 mga taon na ang nakalilipas.[2], bagaman may isang bagong pag-aaral na nagmumungkahing maaaring umaabot sila sa 680,000 hanggang 780,000 mga taong gulang na.[3] May isang bilang din ng mga fossil ng modernong mga tao ang natuklasan sa Pang-itaas na Yungib sa kaparehong pook noong 1933.

Remove ads
Tingnan din
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads