Papa Benedicto XVI
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Papa Benedicto XVI (ipinanganak Abril 16, 1927 bilang Jose Luis Ratzinger o Joseph Aloisius Ratzinger – pumanaw Disyembre 31, 2022) ang inihalal na Papa ng Simbahang Katoliko noong Abril 19, 2005, tatlong araw matapos ang kaniyang kaarawan. Bilang Papa, siya rin ang Obispo ng Roma (o Arsobispo Metropolitano ng Lalawigan ng Roma), Pinuno ng Estado ng Lungsod ng Vaticano, Patriyarka ng Kanluran, Primado ng Italya, at Kataas-taasang Pontipika ng pandaigdigang Simbahang Katolikong kaugnay sa Roma, kasama ng mga Simbahan ng Silanganang Rito na kakomunyon sa Santa Sede. Pormal syang ginawang Papa noong Abril 24, 2005, sa kaniyang Misa ng Papal Inauguration noon.
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Matapos ang kaniyang pag-orden bilang pari noong taong 1951 sa kaniyang sinilangang Baviera, sinimulan ni Ratzinger ang kaniyang pang-aralang karera. Kinilala siya bilang isang bihasang teyologo pagkarating ng katapusan ng dekadang 1950. Itinakda siyang ganap na propesor noong 1958, sa edad ng 31. Pagkalipas ng maraming taon bilang isang propesor ng teolohiya sa ilang pamantasan sa Alemanya, hinirang siya bilang Arsobispo ng Munich at Freising at kardinal sa pasya ni Papa Pablo VI.
Remove ads
Pagpanaw
Si Benedicto ay namatay noong Disyembre 31, 2022 sa oras 9:34 (8:34 sa GMT) noong Sabado. Ang kaniyang sinundang Papa na si Papa Francisco ang nangasiwa sa kaniyang libing, ginanap noong Enero 5, 2023.[2] Mga hindi lalagpas 50,000 ang mga dumalo sa misa noong panahong iyon, inilibing siya sa ilalim ng St. Peter's Basilica kung saan kasama niya ang mga humigit siyamnapu na mga pumanaw na papa.[3]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads