Ailurus fulgens

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ailurus fulgens
Remove ads

Ang pulang panda, kilala rin bilang apoy-soro (mula sa Ingles na firefox) at mas mababang panda (mula sa Ingles na lesser panda) ay isang mas nakalalamang na herbiborong mamalya. Mas natatanging nanginginain ito ng mga kawayan. Sa biyoholohiya, kilala ito bilang Ailurus fulgens, na nangangahulungang "makinang na pusa" o "pusang makintab". Ito lamang ang uring kabilang sa pamilyang Ailuridae. Mayroong dalawang kabahaging uri o sub-uri ito: ang Ailurus fulgens fulgens at ang Ailurus fulgens styani.

Agarang impormasyon Pulang Panda, Katayuan ng pagpapanatili ...

Karamihan sa mga inaalagaan at pinararami sa mga soong Hapones ang kabahaging uring Ailurus fulgens styani. Tinatawag silang pusang Oguma o pusang Syoukuma sa Hapon o 小熊貓 (xiǎo xìong māo) sa Tsina.

Remove ads

Paglalarawan

Bahagyang mas malaki ito kaysa isang domestikadong pusa (40 - 60 sm ang haba, 3 - 6 kg ang timbang). Endemiko ang pandang pula sa mga Himalaya sa Bhutan, katimugang Tsina, Pakistan, Indiya, Laos, Nepal, at Burma. Mayroon itong tinatayang populasyong mas kaunti kaysa 2,500 nasa gulang na mga indibidwal. Patuloy na bumababa ang kanilang bilang dahil sa pagliit at pagkakawatak-watak ng kanilang habitasyon o likas na tirahan.[2]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads