Punong Ministro ng Australia

From Wikipedia, the free encyclopedia

Punong Ministro ng Australia
Remove ads

Ang Punong Ministro ng Australia ang pinuno ng pamahalaan ng Komonwelt ng Australia, na nanunungkulan sa bisa ng komisyon galing sa Gobernador-Heneral ng Australia. Ang tanggapan ng punong ministro ang pinakamataas na tanggapang pampolitika sa Australia. Sa kabila ng pagiging nasa tuktok ng pamahalang ehekutibo sa bansa, hindi nabanggit ang tanggapan ng Punong Ministro sa Saligang Batas ng Australia at umiiral sa pamamagitan ng Kumbensiyon para sa Saligang Batas.

Agarang impormasyon Prime Minister ng Australia, Istilo ...

Maliban sa natatanging mga pagkakataon, ang punong ministro ang palaging pinuno ng Partidong pampolitika o koalisyon na Mayo suporta ng Mayoorya sa Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang natatanging kaso kung saan ang isang senador ay naitalaga bilang punong ministro ay ang kay John Gorton, na di naglao'y nagbitiw bilang senador at nahalal bilagn miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan (Gumaganap na punong ministro si senator George Pearce sa loob ng pitong buwan noong 1916 samantalang si Billy Hughes ay nasa ibang bansa).[6]

Si Anthony Albanese ng Partidong Paggawa ang kasalukuyang punong ministro ng Australia. Siya ay naluklok sa posisyon mula noong 23 Mayo 2022.[7][8]

Remove ads

Suweldo at mga benepisyo

Karagdagang impormasyon Naipatupad, Suweldo ...

Suweldo

Ang punong ministro ang may pinakamalaking suweldo sa mga kasapi ng parlamento.

Ang suweldo ng mga ministro ay karagdagang bahagdan sa batayang suweldo sa parlamento. Ayon sa Unang Ulat ng Remuneration Tribunal noong taong 2006[9] kinompirma nila na ang karagdagang suweldo ng puong ministro ay 160 bahagdan (160%) ng kanyang suweldo sa parlamento, i.e. kaya sa kabuuan ang kinikita ng punong ministro ay umaabot ng 260% ng suweldo ng ordinaryong kasapi ng parlamento.

Ang suweldo ng punong ministro ay may limang beses nang kinikita ng isang nagtatrabahong may sapat na gulang na $67,116, hanggang noong Pebreror 2010.[10]

Rasyon

Thumb
Mga Punong Ministro Curtin, Fadden, Hughes, Menzies at Gobernador-Heneral The Duke of Gloucester noong 1945.

Ang Maharlikang Hukbong Panghimpapawid ng Australia No. 34 Squadron ang naghahatid at sundo sa punong ministro sa loob ng Australia at sa tawid dagat sa pamamagitan ng pagbabago sa mga Boeing Business Jets at maliliit na Challenger na sasakyang panghimpapawid. Mayroong magandang kagamitan para sa komunikasyon ang sasakyang panghimpapawid gayundin mayroon itong tanggapan, silid-pulungan at mga tulugan. Ang katawagan sa sasakyang panghimpapawid ay "Envoy".

Ang opisyal na panuluyan ng punong ministro ay ang The Lodge sa Canberra, subalit hindi lahat ng punong ministro ay nanatili roon. Mas pinili ni Jim Scullin na manuluyan sa Hotel Canberra (ngayo'y Hyatt Hotel); nanirahan naman si Ben Chifley sa Kurrajong Hotel; at nagpagawa naman si John Howard ng Kirribilli House sa Sydney ang kanyang pangunahing tirahan, samantalang ginagamit niya ang The Lodge kapag nasa Canberra para sa opisyal na lakad. Sa pagkakatalaga sa kanya noong 18 Setyembre 2013, sinabi nang kasalukuyang punong ministro na si Tony Abbott na hindi siya manunuluyan sa The Lodge hanggang sa mapabalik siya sa pwesto sa pamamagitan ng boto ng nakararami sa susunod na halalan (naging punong ministro siya sa kalagitnaan ng panunungkula ni Kevin Rudd na nagbitiw matapos maharap sa walang pagkapanlong halalan sa loob ng partido). Ang mga opisyal na panuluyan ay kumpleto sa mga tagasilbi at mayroong pakain para sa punong ministro at para sa kanyang pamilya.

Mayroong mga kasama si Kevin Rudd sa The Lodge na punong tagapagluto at katulong na tagapagluto, tagapag-alaga ng bata, tagapagbantay ng bahay, at dalawang bagong tagapagbantay ng bahay. Sa Kirribilli House sa Sydney, mayroong punong tagapagluto at isang tagapagbantay ng bahay.[11]

Patuloy pa ring nakakatanggap ng rasyon ang mga punong ministro matapos ang kanilang panunungkula, kasama na rito ang libreng espasyo para sa tanggapan, ang karapatang makakuha ng Life Gold Pass at salaping gugulin para sa mga kakailanganing suplay sa tanggapan at mga katiwala. Sa pamamagitan ng Life Gold Pass maaaring maglakbay ang may-ari nito saanman sa Australia sa mga hindi-pangkalakalan (commercial) na dahilan na sagot ng pamahalaan ang gastos.

Isang punong ministro lamang ang nakabalik sa parlamento. Natalo si Stanley Bruce sa pwesto noong 1929 habang siya'y punong ministro, subalit muli siyang nahalal bilang kasapi ng parlamento noong 1931.

Patuloy na kinikilala sa buong bansa ang mga dating punong ministro, at sa ilang pagkakataon nagiging matagumpay sa mga karera matapos ang pagiging punong ministro. Ilan sa kabanggit-banggit rito ay sina: Edmund Barton, na naging hukom sa Mataas na Hukuman; George Reid, Andrew Fisher, Joseph Cook at Stanley Bruce, na naging Mataas na Komisyoner sa United Kingdom; at Arthur Fadden, na naging ingat-yaman sa panahon nang isa pang punong ministro na si Robert Menzies.

Remove ads

Tala ng mga punong ministro

Nasa ibaba ang tala ng mga Punong Ministro ng Australia ayon sa pangalan, petsa ng pagkahiran, petsa ng paglisan sa tanggapan, partidong pampolitika, tagal sa panunungkulan at ang estadong kinakatawan sa parlamento. Ang (mga) estado na kinatawan sa parlamento ay hindi maaaring hindi ang estado kung saan naging mas malapit ang tao; ang isa sa pinakamagandang halimbawa nito ay si Bob Hawke na isinilang sa South Australia, lumaki sa Western Australia, nagtrabaho at kumatawan sa Victoria at nagretiro sa New South Wales.

Ang mga partidong pinapakita ang partido ng mga punong ministro nang sila'y maupo sa panunungkulan. Ilang mga punong ministro ang kasapi ng mga partidong ibinigay bago at matapos ang panunungkulan bilang punong ministro.

Para sa mas detalyadong talaan, tingnan ang Tala ng mga Punong Ministro ng Australia.

      Protectionist       Labor       Free Trade       Commonwealth Liberal       National Labor/Nationalist/United Australia       Country       Liberal

Karagdagang impormasyon #, Pangalan ...
Remove ads

Graphical timeline

Nabubuhay na dating punong ministro

Sa ngayon mayroong pito na nabubuhay na dating mga punong ministro: Paul Keating (1991–1996), John Howard (1996–2007), Kevin Rudd (2007-2010, 2013), Julia Gillard (2010-2013), Tony Abbott (2013-2015), Malcolm Turnbull (2015-2018) at Scott Morrison (2018-2022).

Ang pinakamatanda rito ay si Gough Whitlam (94 taong gulang; noong 22 Enero 2009, nakuha ni Whitlam ang pinakamatandang edad sa lahat ng mga nagin Punong Ministro ng Australia). Sa edad na 52, si Kevin Rudd ang pinakabatang dating punong ministro.

Ang pinakamaraming bilang ng buhay na dating punong ministro sa loob ng isang panahon ay walo. Dalawang beses na itong nangyari:

  • Sa pagitan ng Oktubre 1941 (nang sinundan ni John Curtin si Arthur Fadden) at 18 Nobyembre 1941 (nang mamatay si Chris Watson), ang walong nabubuhay na dating punong ministro ay sina Bruce, Cook, Fadden, Hughes, Menzies, Page, Scullin at Watson
  • Sa pagitan ng 13 Hulyo 1945 (nang sinunadn ni Ben Chifley si Frank Forde) at 30 Hulyo 1947 (nang mamatay si Sir Joseph Cook), ang walong nabubuhay na dating punong ministro ay sina Bruce, Cook, Fadden, Forde, Hughes, Menzies, Page at Scullin.

Pitong dating punong ministro ang buhay sa pagitan ng mga panahong 18 Nobyembre 1941  13 Hulyo 1945, at 30 Hulyo 1947  13 Hunyo 1951.

Ang namatay kamakailan lang na dating punong ministro ay si Sir John Gorton, na namatay noong 19 Mayo 2002.

Remove ads

Backgrounds

Lugar ng Kapanganakan

Siyam sa mag naging punong ministro ng Australia ay ipinanganak sa Victoria, pito sa New South Wales, tatlo sa Queensland at isa sa South Australia at Tasmania. Anim ang hindi ipinanganak sa bansa: lima sa United Kingdom (dalawang sa Inglatera, dalawa sa Eskosya, isa sa Wales) at isa sa Tsile.

Edukasyon

Ang Melbourne Grammar School ang may pinakamaraming nagtapos na naging punong ministro (Deakin, Bruce at Fraser). Ang ilan pang mga paaralang sekundarya na pinagtapusan ng mga naging punong ministro ay ang Geelong Grammar School (Gorton, Fraser), Sydney Grammar School (Barton, McMahon) at Wesley College, Melbourne (Menzies, Holt).

Lima sa mga naging punong ministro ang nagtapos sa Pamantasan ng Sydney (Barton, Page, McMahon, Whitlam, Howard). Apat ang nag-aral sa Pamantasan ng Melbourne (Deakin, Menzies, Holt, Gillard) at tatlo sa0 Pamantasan ng Oxford (Gorton, Fraser, Hawke). Walo sa mga punong ministro ang hindi nakapagtapos ng mataas na paaralan.

Trabaho

Labing-isang punong ministro ang nagtatrabaho bilang abogado bago pumasok sa politika (bilang karagdagan nakakuha si Hawke ng degree sa batas subalit hindi niya ito nagamit). Pitong punong ministro (lahat Australian Labor Party) ang nagsilbi bilang opisyal ng unyon ng kalakalan. Ang iba pang trabaho na ginawa ng mga punong ministro ay pamamahayag (Watson, Scullin, Curtin), pagtuturo (Lyons and Forde), diplomasya (Forde and Rudd), pagmimina (Fisher, Cook), medisina (Page), pagmamaneho ng makina (Chifley) at accountancy (Fadden).

Tatlong punong ministro ang nagsilbi sa Unang Digmaang Pandaigdig (Bruce, Page at McEwen; kung saan si Bruce lamang ang nakasama sa totoong labanan). Apat ang nagsilbi sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig (Holt, Gorton, McMahon, at Whitlam; kung saan nagsilbi sina Gorton at Whitlam bilang tripulante sa Maharlikang Hukbong Panghimpapawid ng Australia).

Bago ang pakikilahok sa politika, nahalal ang mga punong ministro sa mga parlamento ng estado ng New South Wales (Barton, Watson, Reid, Cook, Hughes), Queensland (Fisher, Fadden, Forde), Victoria (Deakin, Menzies) atTasmania (Lyons). Bilang karagdagan naging punong-bayan si Page ng Grafton.

Personal na buhay

Lahat ng mga punong ministro maliban kay Gillard ay kinasal ng hindi bababa sa isang beses. Walang anak sina Bruce, Scullin, Chifley, McEwen at Gillard, samantalang si Lyons ay nagkaroon ng labingdalawang anak (namatay ang isa noong sanggol pa lamang).

Anim na mga punong ministro ang Anglikan (Barton, Bruce, Holt, McMahon, Howard at Rudd), anim ang Presbiteryano (Fisher, Reid, Menzies, Fadden, McEwen at Fraser), lima ang Katoliko (Scullin, Lyons, Forde, Chifley at Keating), lima ang nagsabing wala silang relihiyon (Curtin, Gorton, Whitlam, Hawke at Gillard), dalawa ang two were Metodista (Cook, Page), isa ang Baptist (Hughes), isa ang Unitarian (Watson) at isa ang Spiritualist (Deakin).

Si John Curtin ang tanging punong ministro na nagsilbi sa panahon ng gaol.[13]

Remove ads

Kapanganakan at kamatayan

Labingpitong mga punong ministro ang ipinanganak bago ang Pederasyon ng Australia, 1 Enero 1901. Ang pinakaunang ipinanganak na punong ministro ay si George Reid, ipinanganak noong 25 Pebrero 1845.

Tatlong punong ministro ang namatay sa panunungkulan: Joseph Lyons (1939), John Curtin (1945) and Harold Holt (1967). Ang pagkamatay ni Holt ang hindi karaniwan  nawala siya habang naglalangoy, at idineklarang patay pagkatapos ng dalawang araw, hindi na natagpuan ang kanyang katawan. Matapos ang halos 38 taon, noong 2005, saka lamang opisyal na idineklara ng Victorian Coroner na nalunod siya nang siya'y nawala.

Ang kauna-unahang pinanganak matapos ang Pederasyon na nagsilbi bilang punong ministro ay si Harold Holt, ipinanganak 5 Agosto 1908. (Si Sir William McMahon, na di naglaon ay naging punong ministro ay ipinanganak noong 23 Pebrero 1908, at ang pinakaunang pinanganak na punong ministro matapos ang Pederasyon.)

Ang kauna-unahang pinanganak matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig na nagsilbi bilang punong ministro ay si Malcolm Fraser, ipinanganak noong 21 Mayo 1930. (Si Bob Hawke, na sumunod kay Fraser ay ipinanganak noong 9 Disyembre 1929, at ang kauna-unahang naipanganak sa mga punong ministrong ipinanganak pagkatapos ng WWI.)

Ang kauna-unahang pinanganak matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagsilbi bilang punong ministro ay si Kevin Rudd, ipinanganak 21 Setyembre 1957. Kasama rin sa kauriang ito ang kasalukuyang punong ministro na si Julia Gillard, na ipinanganak noong 29 Setyembre 1961.

Ang tanging mga punong ministro na ipinanganak noong kasagsagan ng alinmang digmaang pandaigdig ay sina Gough Whitlam, ipinanganak noong 11 Hulyo 1916, sa kasagsagan ng Unang Digmaang Pandaigdig, at Paul Keating, na ipinanganak noong 18 Enero 1944, sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pitong mga punong ministro ang ipinanganak sa buwan ng Setyembre, mas marami ng dalawang sa ikalawang buwan na may pinakamaraming ipinanganak, ang Agosto. Ang pito ay sina: John Gorton (9 Setyembre), Joseph Lyons (Ika-15), James Scullin (Ika-18), Kevin Rudd (Ika-21), Ben Chifley (Ika-22), Billy Hughes (Ika-25) at Julia Gillard (Ika-29). Walang ipinanganak ng Hunyo, Oktubre o Nobyembre.

Dalawang punong ministro ang may parehas na araw kapanganakan: Sina Sir Edmund Barton at Paul Keating, ipinanganak noong 18 Enero taong 1849 at 1944 ayon sa pagkakasunod. Dalawa pang punong ministro ang parehas ang araw ng kamatayan: Sina James Scullin at Frank Forde, namatay noong 28 Enero taong 1953 at 1983 ayon sa pagkakasunod.

Remove ads

Mga edad

Ang tatlong pinakabata nang sila'y maging punong ministro ay sina:

  • Chris Watson  37
  • Stanley Bruce  39
  • Robert Menzies  44

Ang tatlong pinakamatanda nang sila'y maging punong ministro ay sina:

  • John McEwen  67
  • William McMahon  63
  • Ben Chifley  59 taon 10 buwan (George Reid ay 59 taon 6 buwan).

Ang tatlong pinakabata nang sila'y umalis sa punong ministro ay sina:

  • Chris Watson  37
  • Arthur Fadden  46 taon 5 buwan 22 araw
  • Stanley Bruce  46 taon 6 buwan 7 araw

Ang tatlong pinakamatanda nang sila'y umalis sa punong ministro ay sina:

  • Robert Menzies  71
  • John Howard  68
  • John McEwen  67
Remove ads

Haba ng buhay pagkatapos ng panunungkulan

Tandaan: Hindi kasama sa pagsusuring ito ang dalawang pinakahuling dating bagong punong ministro, sina John Howard at Kevin Rudd, na pareho pang nabubuhay.

Namatay si Ben Chifley isang taon anim na buwan matapos ang kanyang panunungkulan bilang punong ministro. Tumagal si Alfred Deakin ng siyam na taon at limang buwan.

Lahat ng iba pa ay tumagal ng hindi bababa sa sampung taon. Siyam sa kanila (Bruce, Cook, Fadden, Forde, Fraser, Gorton, Hughes, Watson, at Whitlam) ang nabuhay pa ng 25 taon matapos manungkulan, at lahat maliban sa dalawa rito ang tumagal pa ng mahigit sa 30 taon (Tumagal si Hughes ng 29 taon at 8 buwan; Si Fraser nama'y 27 taon at 3 hanggang sa kasalukuyan, subalit buhay pa hanggang ngayon).

ANg pinakamatal na nabuhay ay si Stanley Bruce, na namatay 37 taon at 10 buwan pagkatapos manungkulan. Kung mabubuhay pa si Gough Whitlam hanggang 25 Setyembre 2013, matatalo niya ang rekord ni Bruce (97 taong gulang na siya sa panahong iyon).

Remove ads

Tingnan din

  • Punong Ministro
  • Tala ng mga Punong Ministro ng Australia
  • Katulong na Punong Ministro ng Australia

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads